Advertisers

Advertisers

Dina asiwa pa ring maging close kay Pauleen

0 181

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

SA Instagram post na ibinahagi ni Mariel Padilla, ibinahagi nito ang isang video na kuha sa isang ospital, kung saan ay sumalalim sa isang heart procedure ang kanyang mister na si Sen. Robin Padilla.
Nagpapasalamat ang TV host actress na naging successful ang operasyon.
“We had a successful heart procedure, it’s been a rollercoaster of emotions for us but now ultimately we are just so grateful and we are so blessed that Robin is okay. Thank you for your prayers,” sabi ni Mariel.
Nagpasalamat din si Mariel sa lahat ng doktor at iba pang medical professionals sa pagtulong para maging maayos at matagumpay ang operasyon ng asawa.
Makikita rin sa naturang video ang mensahe ng kanilang dalawang anak para kay Robin.
Sabi ng kanilang panganay na si Isabella,“Tatay, I miss you, don’t forget [that]. I hope you get well.”
Saad naman ng bunso nina Mariel at Robin na si Gabriela, “Tatay get well soon.”
Marami naman kabilang ang mga kaibigan sa nagpaabot ng panalangin para sa agarang paggaling ni Robin.
“Praying for Kuya Sen’s complete and fast recovery,” saad ni Angelu De Leon.
Comment naman ni Karla Estrada, “Palakas ka agad my brother Senator Robin! Praying for you and your entire family! Love you ma! [You’re] the best mother and wifey ever!!!”
“OMG. I had no idea! Pls get well soon. Praying for a fast recovery,” sey naman ni Claudine Barretto.
Samantala, hindi naman nabanggit ni Mariel kung ano nga ba ang naging karamdaman ni Robin.
Ngunit matatandaan na naikuwento ng actor-politician habang nasa bakasyon silang pamilya noong Mayo 2022 ang nangyari sa kanya matapos siyang isugod sa ospital.
“Wala akong kahit anong sakit pero bigla na lang ako nawalan ng lakas sa tuhod ko habang naglalakad sa parke dahilan para kagyat ako umupo sa ilalim ng puno,” lahad ni Robin.
“Nagdilim ang paningin ko at bumagsak ako sa puno sa likod ko. Hilong-hilo ako.”
Noon nga ay naabisuhan si Robin ng limang araw na gamutan para sa kanyang alta presyon.
***
AMINADO si Dina Bonnevie na nakakaramdam siya ng awkwardness kay Pauleen Luna, ang misis ngayon ng ex-husband niyang si Vic Sotto.
Aniya, nagkita raw sila noon sa binyag ng bunso nina Oyo Sotto at Kristine Hermosa na si Isaac.
“Nung birthday and binyag ni Isaac, yun lang, parang, ‘Hi, I’m Pauleen.’ Although kilala ko na siya, nakilala ko siya sa studio, nung nag-guest ako sa show ni Ryzza Mae, pero hindi pa sila kasal nun,” kwento ni Dina.
Ipinakilala rin daw ni Pauleen sa kanya noon ang anak nila ni Vic na si Tali.
Inamin din ni Dina na gusto raw ni Pauleen na sana ay makapag-usap sila at maging okay.
“Pero hindi pa kami… we never had a chance to sit down and chat. Sabi nga ni Danica, ‘Gusto sana ni Pauleen na maging okay kayo, you know to talk.’ Sabi ko, ‘Parang ang awkward kasi. Ano sanang topic namin? Si Vic?’” sey pa niya.