Advertisers
NAGBUBUNYI ang AQ Prime dahil pumirma ng kontrata sa kanila ang boxing icon na si Floyd “Money” Mayweather.
Nitong nakalipas na Huwebes, Sept. 29, sa Okada Manila Resort Casino, ipinakilala ng state-of-the-art entertainment streaming application sa bansa ang pound-for-pound king bilang pinakabagong brand ambassador.
“This groundbreaking move of introducing Floyd Mayweather, Jr. as our newest ambassador is our way of further establishing our brand. We want to offer only the best,” sey ni Atty. Honey Quino, COO ng AQ Prime.
Happy naman si Mayweather na maging bahagi ng lumalaking A&Q Entertainment Family.
Sa idinaos na AQ Prime at Floyd Mayweather press con, sinabi ng 45-anyos na boxer na naniniwala anya siya na mas mahalaga sa panahon na ito ang entertainment.
“I love to entertain and I love to be entertained. If you want to to be entertained anywhere around the world, this new platform is unreal. I spoke about it, downloaded it and I love it!”
‘I’m sure that if you download it you’re going to love it also.”
Dinagdag din ng sikat na boksingero na napamahal na agad siya sa nasabing streaming app.
Inihayag naman ng AQ Prime na ipalalabas ang docuseries tungkol sa buhay ni Mayweather sa 2023. Sinabi pa ni Atty. Quino na ang heartwarming at motivational story ni Floyd ay makahihikayat sa sambayanang Pinoy na sundan ang kanilang mga pangarap at adhikain.
“His life story will not only entertain people but will also inspire people to be like him.”
Ang AQ Prime ay available na sa Apple at Android devices, kabilang na sa smartphones and smartTVs. I-download at mag-subscribe sa AQ Prime Stream sa mas mababang halagang P100 para sa 3 buwan sa pamamagitan ng Google Play Store, Huawei App Gallery at Apple Store.
(Blessie K. Cirera)