Advertisers

Advertisers

Hustler!

0 225

Advertisers

Ang isang tao na hanapbuhay na ang maghamon ng iba sa basketball ay tinatawag na hustler.

Kadalasan mahusay siya sa sport o sa isang aspeto nito at kanyang kinakalaban ay pinapalagay niyang kayang-kaya talunin.

Kung minsan sa 3 point shooting o horse game Siyempre one on one lang laro at medyo malaki ang pustahan.



Pwede rin ito sa bilyaran.Hustler sa paborito nating mga Pinoy si Bo Cruz, ang papel na ginampanan ni Juancho Hernangomez sa pelikulang Hustle.

Isang 22 anos na construction worker si Cruz na naudlot ang career sa baloncesto at sideline ang pagiging hustler sa laro.Bida dito si Adam Sandler bilang scout ng Philadelphia 76ers.

Kasama nila si Anthony Edwards sa isang mahalagang role.

Ipinakita ang mahirap na trabaho ng isang scout na kailangan pang pumunta sa iba’t ibang bansa para personal na mapanood at makausap ang isang prospect pati kanyang pamilya.

Bukod sa dapat may eye ka for talent ay kailangan marunong ka rin sa psychology upang maintindihan ang takbo ng utak ng isang player at makuha ang loob niya.



Si Sandler kilalang mahusay na artista. Si Hernangomez pasado na dahil baguhan pa lang. Si Edwards ang revelation. Nabigyan ng justice ng shooting guard ng Minnessota Timberwolves ang maliit nguni’t markadong karakter na si Kermit Wilts, ang trash-talking na katapat sa mga tryout ni Cruz.

Isa sa makabagbag-damdaming tagpo ay ang muling pagkikita nina Bo at ng kaniyang ina at anak sa Estados Unidos matapos ang ilang buwang pangungulila sa isa’t isa.

Sana ipalabas na dito sa atin sa mga sinehan para mas maraming makapanood at mainspire.

May mga twist din ang istorya pero hindi na natin ikikwento upang hindi naman mawala ang thrill.

Kabituin din ang mga taga-NBA na sina Boban Marjanovic, Trae Young, Jordan Clarkson, Khris Middleton, Kyle Lowry, Seth Curry, Luka Doncic. Pati mga retiradong sina Allen Iverson, Julius Irving, Charles Barkley, Shaq O’Neal at Dirk Nowitzki.

***

Nag-enjoy ang pangulo sa pagsaksi sa Formula 1 races sa Singapore. Isa pala sa kinagigiliwan ito ng commander-in-chief.

Ayon sa kamukha ni Carding ng Reycards sa Palasyo ay personal na inimbita si dayunyor ng Prime Minister ng city-state.

Ito raw ang pagsesemento ng relasyon ng dalawang magkapit-bansa. Kagagaling lang din doon ng unico hijo ni Imelda noong isang buwan. Kasama sa trip ang panganay na anak, ang pinsan na pinuno ng HOR, ilan pang opisyales at mga kaibigan.

Kaso magkano kaya ginastos sa biyahe na pwede sanang pinang-ayuda na lang sa mga nasalanta ng nakaraang bagyo.