Advertisers

Advertisers

INTERNATIONAL BL SERIES NG MGA DIREKTOR NG 1ST SEM, PASABOG!

0 217

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MADAM editor Blessie, siguradong naaalala mo pa ang multi-awarded indie film na 1st Sem na bonggang-bongga ang presscon at screenings six years ago na isa ka sa dumalo, di ba? (True–ed)
Puwes, ngayong 2022, may bagong pasabog na pelikula sina Dexter Paglinawan Hemedez at Allan Michael Ibañez na isang BL series na handog ng production company nila na Team Campy Entertainment na ang kabuuan ng serye ay kinunan sa California, USA.
May pamagat na Stay, tulad ng 1st Sem ay sina direk Dexter at direk Allan ang mga direktor ng naturang BL series.
Magbibida rito ang isang kilalang Filipino male celebrity na naka-base na sa Amerika at muling magbabalik sa pag-arte sa harap ng kamera.
Ayaw pang i-reveal ng dalawang direktor kung sino ang naturang actor na magbibida sa Stay na gaganap ang mahusay na aktres na si Lotlot de Leon bilang inang OFW (overseas Filipino worker) ng bidang karakter.
Magsisilbing reunion ito nina Dexter, Allan at Lotlot after ng 1st Sem noong 2016.
Ang 1st Sem, na umikot sa mga international film festivals sa buong mundo, ay naging entry sa 2nd CineFilipino Film Festival noong 2016.
Humakot ng awards ang 1st Sem sa mga film festival sa iba’t ibang bansa.
Nagwagi ang 1st Sem bilang Best Debut Feature para sa mga direktor na sina Dexter at Allan sa All Lights India International Film Festival na ginanap sa Ramoji Film City sa Hyderabad sa India noong 2016.
Sa naturang film festival din sa India ay pinagkalooban naman ng special acting citation si Lotlot para sa mahusay niyang pagganap sa pelikula.
Pinarangalan naman ang 1st Sem ng Gold Remi Award mula sa 50th Worldfest Houston International Film Festival noong 2017 kung saan nagwagi si Lotlot bilang Best Supporting Actress.
Personal na dumalo sina Dexter, Allan at Lotlot sa naturang film festival sa India at Amerika.
Humakot din ng award ang 1st Sem sa mga film festivals sa South Korea, Canada at marami pang bansa.
Abangan ang iba pang detalye tungkol sa Stay at kung sino ang male lead nito na tiyak ikagugulat ng marami.
***
SPEAKING of Lotlot de Leon, masayang-masaya ang aktres dahil ang six-part miniseries nilang On The Job: The Missing 8 ay nominado sa prestihiyosong 50th International Emmy Awards!
Nominado ang obra ni direk Erik sa kategoryang Best TV Movie/Miniseries.
Makakalaban ng On The Job: The Missing 8 ang Help mula sa United Kingdom, Il Est Elle [(S)He] mula sa France at La Historia Íntima De La Escritora Isabel Allende [Isabel, The Intimate Story Of Isabel Allende] mula sa Chile.
Tampok sa OTJ: The Missing 8 sina Lotlot, Christopher de Leon, John Arcilla, Dante Rivero, Rayver Cruz at Dennis Trillo.
Ito ay hango sa 2013 film na On The Job at nag-iisang Filipino production na tampok sa Venice International Film Festival nitong nakaraang taon.
Ipinalabas ito sa HBO Go nitong September 2021.