Advertisers

Advertisers

Tom naka-move on na kay Carla, game na ulit mainlab; Xian ‘the one’ na, di pinasasakit ang ulo ni Kim

0 223

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MARAMING natuwa na followers ni Carla Abellana nang mapanood nila muli ang Kapuso actress na masayang nakikipagtsikahan at sumayaw sa Sunday Noontime Show ng GMA 7, ang “All Out Sunday” nitong nakaraang linggo. Request tuloy ng fans ni Carla ay gawin na ring regular host ang aktres sa naturang show.
Samantala, ang estranged husband naman ni Carla na si Tom ay aminadong happily moving on at nakatira sa kanyang mga magulang sa States.
“I’ve been through a dark night of the soul these past few months and a lot of things that I didn’t think I would make it through, but my family has been there all throughout. The kindness of strangers, people I’ve just met, people I’ve known before who have truly helped me along,” pahayag ni Tom sa panayam ng isang sikat na blogger/celebrity.
Hindi kaya in love na muli ng isang Tom Rodriguez kaya nakapagmove-on agad siya months after ng hiwalayan blues nila ng dating asawang si Carla? Ayon naman sa aktor, sa ngayon ay loveless siya at inamin din na nasa stage pa rin na ‘binubuo’ niya ang sarili.
“It’s not what I’m looking for right now. Gusto kong buuin ‘yung sarili ko. Ini-enjoy ko ‘to na binubuo ko ‘yung sarili ko and yet I’m not stopping or closing my doors to anything, experiences or anyone here. I’m just enjoying my life,” say pa rin ni Tom.
***
MAINIT ang naging pagtanggap ng supporters nina Kim Chiu at Xian Lim sa kanilang comeback movie na “Always” showing in all theaters nationwide.
Marami ang kinilig sa mga eksena nina Xian at Kim, na kahit sa screen ay kitang-kita ang pagmamahalan ng dalawa. Ang “Always” ay isang hit Korean movie na pinagbidahan ng sikat na Korean film and TV stars na sina Jo Ji-Sub at Han Hyo-Joo. May ilang adaptations na rin ito sa ibang bansa gaya ng Turkey, India at Japan.
Ito ay isang romantic drama movie tungkol sa dalawang taong may magkaibang pananaw sa buhay, na parehas na winasak ng malupit na mundo.
Kaya karamihan sa supporters ng KimXi ay umaasang sa harap ng altar din babagsak ang dalawa. Sa ngayon ay aminado ang dalawa na pinag-uusapan nila ang tungkol sa kasal pero wala pa raw silang solidong desisyon hinggil sa bagay na ito.
Tsikang si Kim na rin daw ang umiiwas na pag-usapan nila ng boypren ang pagpapakasal dahil sa nagdadalawang isip pa ang dalaga kung si Xian na ang kanyang ‘Mr. Right’ na pinabulaanan naman ni Kim sa pagsasabing masaya siya sa kung anuman ang relasyon nila ngayon at naniniwalang si Xian ang lalakeng tinadhana para sa kanya.
“Hindi niya naman pinapasakit ang ulo ko so parang siguro siya na nga ang ‘the one’ for me. ‘Yung parang kahit iharap mo siya sa lahat ng girls parang ako pa rin yung maganda,” say ni Kim.