Advertisers
Arestado sa isinagawang raid nang mga tauhan ng Criminal Investigastion and Detection Group at mga tauhan ng Animal Kingdom Foundation ang isang construction worker habang nanghuhuli ng aso sa Brgy, Sta. Catalina-Bata sa bayan ng San Ildefonso, Bulacan.
Sa report ni CIDG chief PMaj. June B Tabigo-on, kinilala ang nadakip na si Jexter Rafil Y Gabo, 36, construction worker, tubo ng Guimaras Iloilo, at residente sa nabangit na barangay.
Ayon sa ulat, 12:00 ng tanghali nitong Miyerkoles ng madakip ang suspek.
Nasagip ng mga tauhan ng Animal Rescue ang 7 aso, na buhay habang 4 naman ang namatay sa loob ng sako dahil sa matinding init ng panahon.
Samantala detenido ngayon ang suspek sa CIDG detention cell habang inihahanda ang kaukulang kaso laban sa dito.(Thony D. Arcenal)