Advertisers
TINANGGAL sa listahan ang limang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) sa Region 3 nang isanla ng mga ito ang kanilang cash card.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 3 Grievance Officer Raquel Abrogena, lima ang natanggal dahil sa pagsasangla at dalawa ang natanggal din dahil sa paghikayat sa ilang benepisyaryo na isanla ang kanilang cash card.
Ang mga inalis sa lista ay hindi na pinangalanan.
Mahigpit na ipinagbabawal ng DSWD ang pagsasangla ng cash card.