Advertisers
NASAWI ang isang babaeng HR officer ng pabrika sa Caloocan City nang pagbabarilin riding in tandem pagkalabas nito sa trabaho.
Kinilala ang biktima na si Flordeliza Saavedra, 48 anyos.
Sa ulat, dead on the spot si Saavedra nang pagbabarilin sa may Mindanao Extension, boundary ng Valenzuela at Caloocan, Miyerkoles ng hapon.
Ayon sa kuwento ng mga kaopisina ni Saavedra, nakaangkas ang biktima sa motorsiklo ng isa pa nilang katrabaho nang lumabas sa pabrika. Pinara sila ng mga salarin na sakay din ng motorsiklo at binaril ang biktima.
“Magkaangkas sila sa motor eh, pati ‘yung inangkasan niya may tama rin, nasa ospital na nga eh,” sabi ng ina ng biktima na si Valeriana.
Nakarekober ng SOCO ng walong basyo ng bala sa crime scene.
Naulila ni Saavedra ang mister at apat nilang anak.
“Walang kaaway na tao ‘yang anak ko, maski itanong niyo sa mga kaopisina niya. Talagang napakabait niyan,” sabi ng ina ng biktima.
“Bilang isang HR, mabait siya kaya wala kaming nakikitang motibo tungkol doon sa pag-handle ng kaniyang trabaho,” sabi naman ng katrabaho ni Saavedra.