Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
INAMIN ni Iya Villania na naging buo ang kanyang desisyon na i-save ang kanyang virginity hanggang siya ay ikasal kay Drew Arellano.
Naging magkarelasyon sina Iya at Drew ng sampung taon bago sila nagpakasal noong 2014.
Kuwento ni Iya sa YouTube channel ni Camille Prats, “For me, that moment is a sacred one. I want to save it for the person that I will actually marry.”
Paliwanag pa ng Eat Well, Live Well. Stay Well season 4 star, “It’s really one way of honoring yourself and when you’re honoring yourself, you’re honoring God.”
Ayon kay Iya, naisip niya na baka raw ang blessings na natatanggap niya ay dahil sa naging desisyon niyang i-save ang kanyang virginity.
“I don’t know if it has anything to do with the blessings that I’ve been receiving, but who knows. Maybe that’s why God has been so good to me,” aniya.
Ibinahagi rin ni Iya ang kanyang paghanga kay Drew dahil sa pagrespeto nito sa kanyang desisyon.
“He is patient and he respected that. So sa totoo lang, sa aming dalawa, siya talaga ‘yung mas palaban. Kasi I don’t know what I’m missing out kasi wala pa naman akong action.”
Dugtong pa niya, “He knows what it’s about but he’s willing to wait. Mas mahirap ‘yun on his end.
Sina Iya at Drew ay nag-celebrate ng kanilang eighth wedding anniversary ngayong 2022. Mayroon na rin silang apat na anak na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
***
MIKEE AT KELVIN BALIK-TAMBALAN SA MPK
BALIK-tambalan ang Kapuso stars na sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman sa GMA.
Bibigyang-buhay nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda ang love story ng isang person with disability o PWD at ng isang person deprived of liberty o preso.
Si Mikee ay si Jenefer, babaeng may kapansanan na galing sa isang abusive relationship. Dahil dito, may pagka-bitter siya pagdating sa pag-ibig.
Si Kelvin naman ay si Johncel, lalaking ilang taon nang nakakulong dahil sa kasong may kinalaman sa droga at tila nawalan na ng ganang mabuhay.
Paano kung ang dalawang taong ito ay magkakilala at ma-in love?
Tunghayan sina Mikee at Kelvin sa “To Love Again: The Johncel C. Magundag and Jenefer Francisco Love Story,” October 8, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.