Advertisers

Advertisers

Janelle papasukin lahat ng raket ‘wag lang ang pagbebenta ng katawan

0 296

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

NAGING isang malaking tagumpay ang Pinoy adaptation ng hit na Koreanobela na “Start Up PH” sa pangunguna nina Bea Alonzo, Alden Richards, Jeric Gonzales at Yasmien Kurdi. Labis ang pasasalamat ni Bea nang makarating sa kanya ang balitang nag-trending ang airing ng kanilang show lalo pa at that time na sinabihan si Bea ay nasa jampacked at sold-out GMA Pinoy TV show in the States kasama sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Lani Misalucha at AiAi delas Alas.
“When I came back, I was told that ‘Start Up PH’ is rating well and the feedback on the net is all very positive, so parang back-to-back happiness ang natanggap ko. I’m really so happy with ‘Start Up PH’ as my first project with GMA as the production values are all excellent,” say ni Bea.
Nakarating din sa kaalaman ni Bea ang mga negatibong komento na ibinabato sa kanya, sa kabila ng mas maraming papuring kanyang natanggap. Isa na rito ang hindi raw sila bagay ni Alden na magkatambal dahil sa kanilang age gap. Mas may edad kasi si Bea kaysa kay Alden.
“Well, I’d be a hypocrite if I’d say na hindi ako nasasaktan kasi tao rin lang naman ako. But I’ve learned to take only the criticism that will help me.
Those who care for you can criticize you in a loving way. So okay lang yun. But those who bash out of hate, I don’t care for that kind of negative energy,” dagdag pang say ni Bea.
***
WALA nang patumpik-tumpik pa si Janelle Tee sa pag-amin na siya ang breadwinner ng kanyang pamilya nang matanong kung paano kaya siya naka-relate sa dual role niya sa Vivamax original na seryeng “An/Na” streaming now sa lahat ng Vivamax apps.
Sa naturang serye kasi ay papel ng isang call center agent ang ginampanan ni Janelle pero hindi nagiging sapat ang kanyang kinikita para matustusan ang gastusin ng kanyang pamilya na lagi siyang pini-pressure ng pangangailangan sa pera. At para masuportahan ang pagiging materialistiko ng kanyang pamilya ay kinakailangan niya pang mag-sideline bilang isang high class prostitute at magtago sa/ another identity, si Mei Ling.
Hindi man dumating sa puntong naging isang Mei Ling siya sa tunay na buhay, inamin ni Janelle na naging raketera rin siya dahilan sa siya ang nagbibigay sa kanyang pamilya ng mga pangangailangang pinansyal.
“I can relate with ‘Anna’ kasi I’m really the breadwinner in our family. Kaya nga naging Viva raketera ako hosting events, joining pageants, and now acting.
But I will never resort to selling my body.
I believe God really provides kasi kahit gipit ka sa pera, malalampasan mo, tamang diskarte lang ang kailangan. Maging maparaan ka para masolusyunan mo ang iyong money problems. Ako, I even resorted to selling dresses,” pahayag ni Janelle.