Advertisers
PATAY ang magtiyahin nang pagbabarilin sa Purok 5, Barangay Tawantawan, M’lang, Cotabato, Huwebes ng gabi.
Kinilala ang mga biktima na sina Tisay Beltran at pamangkin niyang si Althea Luceno.
Sa ulat, pinasok ng tatlong lalaki ang tindahan ng mga biktima kungsaan nakatira ang magtiyahin.
Nakita ng pamangkin ang panunutok ng baril ng mga salarin sa kaniyang tiyahin, nagtangka pa itong pumalag at tulungan ito pero pinaputukan siya ng salarin na nagresulta sa kaniyang kamatayan.
Blangko pa ang M’lang PNP sa motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.