Advertisers

Advertisers

Negrosanon, dasal na pumabor kay Gov. Teves ang Supreme Court

0 194

Advertisers

MALAKING isyu ngayon sa Negros Oriental ang naging tila minadaling desisyon ng Commission on Election (Comelec) ukol sa petisyon ng natalong gobernardor na si Roel Degamo kamakailan.

Na-surpresa ang mga mamamayan ng Negros Oriental na bakit napaboran ang natalong gubernador kaysa sa niluklok nila na gubernador na si Gov. Henry Teves sa isang kislap ng mata lamang.

Matataandaan na tinalo ni Teves ang dating gubernador na si Degamo at dineklara ng Comelec ang pagkakapanalo ng nauna. Na siyang nag bigay ng kagalakan sa mga Negrosanon.



Patuloy na nag-hihintay ang mga mamamayan ng Negros sa magiging desisyon ng Supreme Court na kung saan umaasa ang mga ito na matutuwid ng pinaka-mataas ng hukuman ang tila minadali at may bahid ng pagduda na desisyon ng Comelec na naging masyador pabor kay Degamo.

Pahayag ng mga suporters ng Gov. Teves ay naniniwala ang mga ito na ang kanilang buhay ay magkakaroon ng pagbabago sa pamamagitan ng Supreme Court na magbibigay ng desisyon na magiging daan upang patuloy makapag silbi sa Negros Oriental si Gov. Teves.

“In God we Trust. ‘Yan ang aming malakas na sigaw. At buo ang pag-asa na didinggin kami ng Supreme Court na masunod ang aming boto na hayaan si Gov. Teves ayusin ang Negros Orienta para sa aming magandang kinabukasan,” sambit ng isang supporter ni Teves habang lumuluha.