Advertisers

Advertisers

San Beda tinambakan ang Arellano University

0 235

Advertisers

TINAMBAKAN ng hot shooting San Beda ang Arelano University 96-61, sa nagpapatuloy na NCAA Season 98 Seniors Basketball Tournament Biyernes sa FilOil EccoOil Centre sa San Juan City.

Dinomina ng Red Lions ang boung laro na lumobo sa 51 puntos, matapos umiskor si Jacob Cortez 84-33, bago matapos ang ikatlong yugto.

Lima sa San Beda player ang umiskor ng double figures na pinamunuan ni JB Bahio at James Kwekuteye na parehong nagtala ng tig- 13 puntos. Kwekuteye ay kumana ng 6-of-7 from the field 8 rebounds three assists plus 32 rating sa loob ng 16 minutong aksyon.



Tony Ynot nagdagdag ng 11,Jacob Cortez at Justine Sanches nag-ambag ng tig-10 puntos.

Sa panig ng Chiefs, Darrel Menina nagrehistro ng 10 points,four rebounds, at three assists.

Dahil sa panalo ang San Beda ay umangat sa 5-2 card,habang ang Arellano ay nalaglag sa 4-4.

Ang susunod na makakaharap ng San Beda ay ang College of St.benilde (6-1) alas 3 ng hapon,habang ang Arellano makakasagupa ang Lyceum of the Philippines (5-1) para sa kanilang huling laro sa round 1 sa Martes, 3 PM.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">