Advertisers
Walang pormal na pag-uulat ang Malacañan sa first 100 days ng bagong gobyerno.
Breaking tradition daw wika ng Palasyo.Sa mga nakalipas ng mga administrasyon ay mayroon naman.
Kung sabagay wala naman gaanong mairereport talaga. Yung gabinete hindi pa rin kumpleto. OIC lang sa DOH at sa DA ang presidente mismo sa acting capacity. Dalawa pa sa mahahalagang posisyon natanggal na kaagad.
Sa larangan ng sports ay katapusan lang ng Agosto naitalaga ang chairman ng Philippine Sports Commission. Mahigit isang buwan pa lang sa puwesto yung dating commissioner ng PBA sa kaniyang upuan.
Hindi naman inaasahan ng taong-bayan na maraming proyekto. Ang gusto lang natin ay tamang direksyon. Yung korek na mga polisiya. Yung tono na magset ng maayos at tapat na pamamalakad.
Pero paano kung mabagal magdesisyon ang lider? Kung inuuna ang lakwatsa kaysa trabaho. Kung madalas makikita sa mga party nguni’t hindi sa pagdamay sa mga biktima ng mga sakuna.
Kung dumarayo pa sa ibang bansa para sa F1 car races pero wala sa burol ng mga rescuer na nagbuwis ng buhay sa Bulacan.
Sa gitna ng patindi nang patindi ng pagtaas ng presyo na mga pangunahing bilihin Na sanhi naman ng lalong pagpapahirap sa buhay ay kailangan nararamdaman ang pamahalaan. Dapat nakikita ng karaniwang mga mamamayan ang pangulo.
Kaso iba ang importante sa kanya. Yung kaarawan ng mga kamag-anak at mga kaalyado ang prayoridad. Hindi ang kapakanan ng mas nakakarami.
Tiis tayo dahil yan ginusto ng 31M eh. Nagpabola sila sa anak ng lalakeng diktador at ganoon din sa anak na babae ng traydor.
***
O-3 ang Lakers sa pre-season. Natalo sila sa Sacramento, Phoenix at Minnessota.
Noong isang taon 0-6 sila sa paglipat ni Russell Westbrook.
Hindi naman natin sinasabi na wala na silang ipapanalo pero mukhang pareho magiging kapalaran nila ngayon pati sa regular games.
Mahigit kalahati sa team ay bago nguni’t Big 3 nila parehas pa rin. Rookie kanilang coach.
Kaya kung walang drastic change sa line-up at malaking adjustment ng bench tactician ay replay lang ng 2021-22 ang magiging resulta.
Malulungkot na naman mga taga Los Angeles.Sinubukan ng ilang manunulat ng NBA na i-hype si Victor Wembanyama, ang 7-4 na 18 años na French man
Siya daw ang pinakamalaking pangalan na papanhik sa liga mula nang umakyat si LeBron James noong 2003.
Ito raw dahilan kung bakit mas iibigin pa ng ilang prangkisa na mag-unahan sa dulo kaysa lumaban sa kampeonato.
Yun kasing mga may worst record ang may chance ma-draft ang higanteng tinedyer mula sa France. Tingnan natin.