Advertisers
NAPAGANDA ni Olympic Bronze Medalist Eumir Marcial ang kanyang boxing rekord matapos malusutan ang matangkad na kalabang 6-foot-1 na si Steven Pichardo.
Ito ay sa kabila ng malalim na cut sa taas ng kanyang kanang mata na natamo sa ikatlo sa naka-schedule na anim na round.
Pumabor ang mga huradong sina James Green, Ivan Guillermo, at Ellis Johnson kay Marcial, 60-54.
Nananatiling walang talo si Marcial sa kanyang professional career at naitala ang 3-0 win.
Ang super middleweight match ay ginanap sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California,Sabado (Linggo sa Manila.