Advertisers
DI na mabilang ang mga higanteng kaganapan sa bansa na kanyang inorganisa sa larangan ng negosyo,kultural, turismo,lifestyle entertainment at sports,tunay na overwhelmed at fulfilled ang icon at tanyag na event specialist na si Ricci Ang sa matagumpay at katatapos na Sagwan Sagip Taal Lake Dragonboat Race Festival sa Balai Isabel ng Talisay.
Nadama niya sa naturang kaganapang pang-sports for a cause ang essence ng sport na dragonboat na hatid nito ang kahalagahan ng pagkakaisa,sama-samang lakas,teamwork at disiplina na swak sa pamumuhay ng magkakapamilya sa pamayanang angat kesa iba.
“ It’s a very special kind of sport compare to others. Disiplina, pagkakaisa,camaraderie , determinasyon tungo sa tagumpay ng pinagsamang lakas ng higit dalawampu katao na isang patunay lang na mas malakas pag sama-sama,” wika ni Ang sa panayam ng korner na ito kaya tunghayan ang mga tampok na success story ng kaganapan sa susunod pa nating pitak… ABANGAN!
Sa naturang bakbakan sa sagwan,nagpakitang -gilas sa pagkampay ang powerhouse Philippine Titans habang umeksena naman ang Sagwan Tanauan upang ikampay ang gold medals sa kanilang kategorya sa unang araw ng kumpetisyon ng Sagwan Dragonboat Festival -Sagip Taal Lake kahapon sa Balai Isabel.
Nakaungos ang Titans paddlers sa mahigpit na katunggali upang saklitin ang kampeonato ng Women’s 20-seater sa 200 -meter finals sa winning time nitong 1:03;48.
Dikit na kasunod ang Team UPDT sa pang- runner-up na tiyempong 1:03:87.Malayong tersera ang Femcor Paddlers sa isinumiteng oras na 1:04:43.
Dumoble ang tagumpay ng Phil.Titans matapos dominahin ang Mixed category 20-seater sa 200 m finals.
Sinagwan ng Titans ang kampeonatong oras na 48:14 kasunod sa finish ang UPDT sa panegundang oras na 50:46 habang nakuntento sa tersera ang Dagun Pilipinas ,50:66.
Umeksena naman ang pride ng Batangas na Sagwan Tanauan matapos pagharian ang Men’s 20-seater final sa golden paddling nitong 48:99 upang daigin sa close shave ang Dagun Pilipinas ,46:16.Tersera ang Alab Sagwan.
“ Successful opener.Nakisama ang weather ang ganda ng panahon at enthusiastic ang lahat nang lumahok,” wika ni JM Rabago ng R&A Events Specialist na all praises sa lahat nang konsernado sa race festival na may temang Sagip Taal Lake.
“ Eto na ang tunay na kumpetisyon for a cause.Bakbakan sa pagsagwan. More paddling action and fun in the future local paddling competitions”, sambit naman ni coach Len Escollante ng Philippine Canoe Kayak Dragonboat Federation na pinamumunuan ni Teresita Uy at may basbas sa advocacy event. Ang dalawang araw na dragonboat festival ay sa kooperasyon ng liderato ng Balai Isabel sa pamumuno ni Account Executive Arnnie Miano(kasabay na rin ng pagdiriwang ng asosayon), Pamahalaang Bayan ng Talisay at Grupong Sagip Taal Lake.Oara sa reaksiyon, contact #09664708999.