Advertisers

Advertisers

South Korean fugitive na wanted sa bansa huli ng BI

0 200

Advertisers

Inihayag ng Bureau of Immigration (BI) ang planong deportasyon ng isang South Korean fugitive na wanted sa bansa nito sa kasong multi-million telecommunications fraud case.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, isinasaayos na lamang ang mga dokumento para maibalik sa South Korea si Lee Won Ho, 33-anyos, na kasalukuyang nakadetine sa BI jail sa Camp Bagong Diwa at ilalagay sa immigration blacklist ang pangalan nito upang hindi na makabalik pa ng Pilipinas.

“He is an undesirable alien whose presence here poses a serious risk to public interest. Thus, he should be perpetually barred from entering the Philippines,” ani Tansingco.



Si Lee ay naaresto ng mga ahente ng BI’s fugitive search unit (FSU) sa pamumuno ng hepeng si Rendel Ryan Sy noong Setyembre 21 sa tahanan nito sa BF Tahanan Village, Parañaque City sa bisa ng warrant of deportation na inilabas ng BI board of commissioners apat na taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Sy, naglabas ng arrest warrant ang Incheon district court sa Seoul, Korea laban kay Lee dahil sa nasabing kaso at binawi na rin ng Korean government ang pasaporte nito.

Si Lee ay tinaguriang high-ranking member ng tinatawag na Minju Family, isang big-time telecom fraud syndicate na nag-o-operate sa Manila at ang naturang sindikato ay nakatangay ngUS$21 milyon mula sa mga naging biktimang Koreano din. (JERRY S. TAN)