Advertisers

Advertisers

BUTI PA ANG LUMPIANG SHANGHAI

0 189

Advertisers

DI nagpadaig ang isa sa paborito nating mga Filipinong pagkain, ang malutong at masarap na ‘lumpiang shanghai’.

Sa isa kasing pag-aaral o sabihin nating food survey na ginawa sa maraming lugar dito sa ating mundo, lumalabas na ang lumpiang shanghai ay di lang sa lamesa at eskinita ng mga Filipino nilalantakan, kundi na rin sa buong mundo, matapos na kilalanin bilang ikalawang pinakamasarap na street food.

Ang nagsagawa ng food survey ay ang TasteAtlas, nito lamang nagdaang buwan ng September. Ang TasteAtlas ayon sa “wikepedia” ay isang “experiential travel guide to traditional food that collates authentic recipes, food critic reviews, and research articles about popular ingredients and dishes.”



Ngayon ko lang din nabalitaan itong TasteAtlas. Maganda rin naman ang pakay kung tutuusin, gaya ng pagpili sa 50 Best Street Foods kung saan nakakuha ang lumpiang shanghai ng 4.9 na rating mula sa audience ng travel guide.

Pumangalawa ang lumpiang shanghai natin sa paborito ng maraming Asiano at bumbay na tinatawag na ‘Roti Canai’, isang tradisyonal na Malaysian pan-fried flatbread na gawa sa harina, tubig, itlog at taba.”

Sabi nga, ang roti canai ay isang ‘childhood comfort food’ na nakawilihan na ng karamihan. Dumami na rin ang uri at style ng paggawa nito at kung ano-ano na ang naimbentong pangsangkap.

Pero ang ating lumpiang shanghai na nahango o napag-igi pa ng ating mga lola at inay mula sa
Chinese spring rolls ay di na rin malilimutan. Mapa-handaan, pulutan, pang-ulam at meryenda, ay naging paborito na rin ng lahat ang lumpiang shanghai, kabilang na ang mga banyaga, dito sa ating bansa at iba pang panig ng daigdig.

Sa paghirang ng TasetAtlas na pangalawa itong paborito ng karamihan, nagawa ng lumpiang shanghai na maitatak muli sa buong daigdig, na magaling talaga ang Pinas.



Para itong sikat na atleta, singer atbp. magaling at nagpahanga na nagmula sa ating bansa.

Buti pa nga ang lumpiang shanghai nakagawa na ng magandang image para sa Filipino at sa bansang Pilipinas. Di gaya ng iba sa atin, sa paninira lang magaling.