Advertisers

Advertisers

KAISPORT KO, MARINDUQUE GOVERNOR PRESBY VELASCO

0 170

Advertisers

PINAGPIPITAGANG alagad ng hudikatura, ama ng hustisya, icon sa academe, high end sa national law bago naging gem sa pagiging kampeon bilang lingkod-bayan.Iyan si Justice Presbiterio Velasco, Jr.- kasalukuyang Gobernador ng Marinduque( re-elected),pag-asa ng masang tunay na tutulong sa kanyang constituents ng buong puso at walang pagi-imbot .

Nasa kanya na ang ipinagdarasal ng Marinduquenos – ang big difference na dumating sa buhay nila tungo sa tunay na pag—asenso

Ang kasalukuyang pinuno ng League of Provinces ay tinititiyak na lahat ng pangunahing serbisyo ay nararamdaman ng masa at nais niyang ‘excellence’ lang ang mabibigkas ng constituents ng ama ng lalawigan mula sa kabuhayan, kapayapaan, edukasyon, kalusugan, liltura, sining at sports.



Sa larangan palakasan ay walang masasabi ang masa ng lalawigan kundi papuri ang makamit sa mga organizers ng mga sports events, laging kasado ang pagsulong ng mga larangan ng sports para sa kabataan at constituents.

Katulad ng pinaka-prestihiyosong tunggalian sa larangan ng ahedres na ikakasasa lalawigan ng Marinduque.

Ang 1st Governor’s Cup Tournament na itinakda sa Nobyembre 9,2022 sa Boac Convention Center ayon kina organisador Engr. Lauro Bautista at G.Giovanni Buhain( event coordinator) ay handog ng pinagpipitagang ama ng lalawigang na todo suportado naman ni Cong.Lord Allan Velasco para sa mga kabataang babae at lalaking may potensiyal na mag- alay ng karangalang pang-sport sa probinsiya at sa bansa sa malaong hinaharap. Gayundin sa mga adults,executives,seniors at kiddies na sasabak sa isang araw ng chess festival sa naturang kabisera ng Marinduque.

“ Inaasahan namin ang paglahok ng mga entusiyastikong chess players sa open, kiddies, female division maging mga unrated ay bukas sa paglahok kung saan ay taginting ang mga papremyo sa mga mamamayagpag sa kaganapan. Pati dayuhan ay welcome sa ating Boac sport event”, wika ni Buhain sa panayam sa kanyang paglahok kahapon sa sumulong na 2022 National Executive Chess Championship NCR leg sa Robinson’s Magnolia sa New Manila Quezon City kamakailan kasama si Engr. Bautista.

“We organized this momentous sport event to help the youth to be disciplined in their way of life through playing chess”, ani pa Buhain ,Contractor( government projects) by profession at staunch supporter ng kasalukuyang administrasyon.



Sina Engr.Bautista at Buhain ang founders ng Boac Chess Knight League.Iyan si Gov.,di lang pampamilya…pangmasa…pang SPORTS pa! Abangan!