Advertisers
BAGAMA’T iniutos ng pamunuan ng Philippine National Police, alinsunod sa kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG), na ihinto ang pagbabadigard sa mga Intsik na sangkot sa operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), hindi parin natigil ang pag-e-escort ng pulis sa mga Tsekwa.
Oo! Sabi ng aking mga kaibigang Fil-Chinese businessmen, patuloy parin ang mga pulis sa pagsisilbing badigard ng mga Intsik sa POGO. Maging sa pagpunta ng mga ito sa mga casino ay may mga escort paring PNP personnel.
“Akala ko nga natigil na eh. Hindi naman pala. Sige parin ang pag-escort ng pulis sa taga-POGO. Nakakabuwisit nga eh, ang yayabang…kasi may badigard na pulis,” sabi ng aking reliable source.
Aniya, kaya malalakas ang loob gumawa ng krimen itong mga taga-POGO ay dahil sa badigard nilang pulis. “Kapag walang PNP security mga yan, matatakot gumawa ng kalokohan ang mga yan,” sabi ng aking source.
Dapat pamanmanan ni PNP Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang mga pulis na patuloy nagbabadigard sa mga Intsik. Tanggalin sa puwesto ang mga ito. Mismo!
***
Sa datus ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI), karamihan ng krimen na may kaugnayan sa POGO operation ay rape, prostitution, extortion, kidnapping, robbery, illegal detention, homicide at murder.
Sa mga imbestigasyon ng PNP, ang kadalasang sanhi ng krimen ay ang pagkakabaon sa utang ng Chinese player.
Maging si Justice Secretary “Boying” Remulla ay inatasan ang NBI na umagwat na sa POGO, huwag nang makialam sa problema ng mga ito.
Kaya naman nakiusap ang Chinese Embassy sa Pilipinas, dahil narin sa pagmamakaawa ng mga kamag-anak ng biktima sa China, na ipahinto na ang POGO dahil maraming citizens nila ang napapahamak at naghihirap sa online gambling na ito.
Dahil dito, kaliwa’t kanang pangre-raid ang ginawa ng NBI at PNP sa mga POGO outlet. Natuklasan na nasa 40,000 Chinese ang iligal na nagtatrabaho rito. Nabuking din na nasa 170 POGO outlets ang iligal na nag-o-operate, walang permit sa PAGCOR.
Kaya’t nitong unang linggo ng buwan (Oktubre) ay sinimulan nang ipa-deport ng Bureau of Immigration ang illegal Chinese workers, alinsunod sa pinagkasunduan ng mga opisyal ng Pilipinas at Chinese Embassy.
***
Worst! Nitong Martes ng umaga, ipinahayag ni Senate President Miguel Zubiri na isinama ng Chinese government ang Pilipinas sa kanilang black list as tourist destinations dahil narin sa patuloy na operasyon ng POGO.
“Ambassador Huang (Xilian) said that the Philippines now is part of a blacklist of tourist sites because they do not know if a tourist will be joining POGO operations and they don’t know if their nationals who go to the Philippines will be safe from illegal activities being done by the triad, by the syndicates operating POGOs,” sabi ni Sen. Zubiri sa pagdinig ng Senate ways and means committee tungkol sa POGO.
Ang Pilipinas, bago pumutok ang pandemya ng Covid-19, ay isa sa mga paboritong puntahan ng Chinese tourists, ayon sa datus ng Department of Tourism (DoT).
Malaking kawalan ang Chinese tourists sa ating turismo. Dapat mahilot agad ito ng ating gobyerno. Now na!!!