Advertisers

Advertisers

Rocco umamin, nahirapan sa karakter sa ‘Maria Clara at Ibarra’

0 349

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

ISA sa masasabi nating aktor na may sobrang dedikasyon sa ginagampanang karakter ay si Rocco Nacino.
O di nga ba, dahil sa kanyang karakter na isang sundalo sa “Descendants of the Sun” nila ni Dingdong Dantes ay pumasok si Rocco bilang reservist. Kaya nga ba sa bago niyang role ay aminado si Rocco na nahirapan siya sa bago niyang karakter bilang ‘Andres Bonifacio” o Elias sa top rating primetime serye na “Maria Clara at Ibarra.”
“Mag-uusap pa kami ni Direk Zig kung gaano kalalim pa na gusto niyang gawin si Elias. Kasi kung si Crisostomo Ibarra ay si Doctor Jose Rizal, si Elias ang katumbas ni Andres Bonifacio. So matapang, may galit, malalim. So ’yun ang magiging challenge ko kung gaano kalalim ko huhugutin ’yung galit sa mga tao, sa mga nanakit sa pamilya ko, para gumanti at ipakita ang tapang,” saad ni Rocco.
Ano naman kaya ang bagong challenge personally na hatid ng kanyang bagong role?
“In a way, nakaka-relate rin sa pagkuwento naman sa mga kabataan. And sad truth is, marami sa mga kabataan natin ang medyo nakalimutan na kung ano ’yung dati, ang history natin, how to love our country. So very timely siya sa tingin ko, sa opinion ko. Very timely itong show na ’to. And aral ’to sa mga kabatan and at the same time, ginagawa nilang very entertaining para ganado ang lahat na panoorin,” dagdag pang saad ni Rocco.
***
NAGBUNGA na rin ang pagtitiyaga at sipag ni Alona Navarro sa kanyang showbiz career, bida na kasi siya sa latest movie offering ng Vivamax na magsisimula nang mag-streaming this coming Oct. 21 in all Vivamax apps, sa “Tubero” kasama sina Vince Rillon at Angela Morena.
Sa mga hindi nakakaalam, ilan sa mga pelikulang napasama si Alona ay sa ‘Sitio Diablo’, ‘Purificacion’ at dalawa pa sa hindi naipapalabas na movie na ‘Alapaap’ at ‘Cara Cruz’.
Mas matitindi ang love scenes na ginawa ni Alona sa matatawag niyang debut movie, ang “Tubero”. Todo bigay kumpara sa apat na pelikulang natapos na niyang gawin. Ang kapalit naman ng pagpupursige ni Alona na maging isang artista ay ang pagtutol ng kanyang mga magulang sa image na pinasok, ang sexy erotic career image.
High school days palang ni Alona ay napapangarap na niya ang sarili na napapanood sa big screen at sa telebisyon. Kaya nang mabigyan ng pagkakataon na mapasama sa isang pelikula ay agad itong tinanggap ni Alona kahit pagpapaseksi ang kapalit. Dahil galing siya sa isang konserbatibong pamilya, sinabihan niya ang magulang sa pagpapaseksi niya.
“I told them gusto ko lang i-try. Kasi since high school, gusto ko nang mag-artista. So wala na silang nagawa.
Sabi ko, huwag na lang nila panoorin ang movies ko. Support na lang sila kasi nakita naman nilang masaya ako sa ginagawa ko,” say pa rin ni Alona.