Advertisers

Advertisers

CYBER LIBEL, SERYOSONG KRIMEN

0 260

Advertisers

Kung marami sa ating mga kabaro sa media at mga vloggers ang di alintana ang cyber libel, maging aral na ito sa naging kasong hinaharap ni Rappler CEO Marias Ressa at ng researcher-writer nito na si Reynaldo Santos Jr.

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng kampo nina Ressa at Santos kaugnay ng naging hatol ng Manila Regional Trial Court (RTC) sa kanilang cyber libel case.

Partikular ang kasong isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng noong taong 2012.



May kaugnayan ito sa artikulo ng Rappler na sinasabing pinagamit ni Keng ang sasakyan nito kay dating Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona.

Sa desisyon ng korte noong June 2020, hinatulan ng anim na taong pagkakakulong sina Ressa at Santos.

Gayunman, dinagdagan ng CA ang hatol at ginawa itong anim na taon at walong buwang pagkakakulong.

Inaasahan naman na iaapela ng kampo ni Ressa sa Korte Suprema ang pagkakabasura ng Appelate Court sa kanyang motion for reconsideration.

Para makaiwas na tuluyang makarsel ang dalawa, ang pag-apela sa Supreme Court ang kanilang huling option.



Hindi talaga maiiwasan sa propesyon ng pamamahayag ang mga ganitong kaso subalit nasa responsibilidad na rin nating mga manunulat at journalists na magsagawa muna ng “fact-check” sa mga artikulong ating isinusulat sa main stream media man o sa social media platform.

Sa ating personal experience, ang mga isinusulat natin partikular na sa ating pitak o kolum ay mula sa reklamo o sumbong ng ating mga mambabasa o tagasubaybay.

Social responsibility po nating mamamahayag na bigyan ng hustisya ang mga sumbong na ito at mga hinaing na idinudulog sa atin ngunit may mga paraan tayong dapat alamin at timbangin kung ang mga reklamong ito ay may katotohanan nga o paninira lamang laban sa taong inirereklamo.

Maraming kaparaanan kung paano natin isinusulat ang isang artikulo o kolum lalo na kung tumutuligsa ito ng isang indibidwal o grupo upang mailahad ito nang hindi lumalampas sa limitasyon ng ating tungkulin bilang mamamahayag.

Una po sa mga alintuntuning dapat gawin ay piliting kunin ang panig ng inirereklamo.

Kung ayaw nitong magbigay ng kanyang side,atleast ginawa natin ang narararapat ng hakbang bilang responsableng mamamahayag..

Pangalawa, absence of malice.

Kung hindi mo naman personal na kilala ang taong iyong binabatikos at hindi ka lumalampas sa mga standards ng journalism ethics at ang pagtalakay na ginawa sa isyu ay nakapaloob sa trabaho o responsibilidad ng iyong pinupunang indibidwal, malayong ma-convict ka sa kasong cyber libel o ordinaryong kasong libelo.

Kadalasan sa ating mga pagbatikos bilang mga kolumnista ng isang pahayagan, kundi opisyal ng kapulisan ay mga taong-gobyerno ang ating binabatikos gaya ng pagpuna natin sa kanilang mga lihis na pag-uugali at maling pagtupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga public servants.

Base sa Supreme Court jurisprudence, hindi puwedeng magbalat-sibuyas ang isang taong nasa goyerno na humahawak ng sensitibong posisyon dahil, responsibilidad ng mga mamamahayag na bantayan sila at punahin para sa kapakanan ng taongbayan.

Kung ayaw nilang mapuna at mabatikos, umalis sila sa government service.

“If you can not stand the heat, then get out of the kitchen”.

Kaiba naman ang kaso ni Ressa at Santos, isang private individual ang kanilang complainant na isinabit ng dalawang respondents sa pinatalsik na Chief Justice ng Korte Suprema na si CJ Renato Corona.

At base sa naging desisyon ng RTC at ng Court of Appeals, guilty sina Ressa at Santos sa kasong cyber libel.

Para sa ating personal na pananaw, napakanipis ng pagkakaiba ng cyber case at ordinaryong kasong libelo na kadalasang ipinupukol laban sa ating mga mamamahayag bilang ganti ng mga taong ating inuupakan.

Halos “hairline” lamang ang kaibahan.

Kadalasan, marami sa mga kasong isinampa laban sa mga mamamahayag ay nade-dismis sa husgado.

Pero iba itong kina Ressa at Santos.

Nakita ng RTC at Court of Appeals na may sadyang pag-atake sa personalidad ng complainant na ginawa ang mga respondents.

May tila “total disregard” ding na-commit ang mga respondents sa itinadhanang mga batas laban sa cyber libel law.

Sa ating mga mamamahayag, laging maglaan ng panahong pag-aaralan ang isang isyu o mga isyung tatalakayin.

Habang isinusulat ito, maglaan ng panuntunan upang makaiwas ma-libelo.

Maging responsable at makatotohanan sa pagsusulat.

Always be objective in your write ups.

Good day at mabuhay ang malayang pamamahayag.

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com