Advertisers

Advertisers

Ipinarating kay DILG Sec. Abalos: Percy Lapid may kasunod pa?

0 202

Advertisers

TINIYAK ng Department of Interior and Local Government (DILG) na prayoridad ang seguridad ng mga media.

Hinimok ni DILG Sec. Benhur Abalos ang lahat ng media practitioners na dumulog sa kanilang tanggapan sakaling may banta sa kanilang seguridad.

Kailangan ipagbigay-alam agad sa kanilang opisina para magawan ng agarang aksyon.



Ang pahayag ng kalihim ay matapos makarating sa kanya ang banta sa social media na nakuha ng mga TV 5 journalist kungsaan sinasabing isusunod sa pinaslang na si Percy Lapid.

Pagtitiyak ni Abalos, kayang i-trace ng PNP cybercrime ang nasabing banta sa social media basta ipagbigay-alam lamang agad sa kanila.

Kaugnay nito, ang PNP sa pamagitan ng mga district directors at matataas na opisyal ay nagsimula naring makipagdayalogo sa media organizations upang talakayin ang mga pag-iingat gayundin ang pagtitiyak ng pulisya sa seguridad ng media.(Jocelyn Domenden)