Advertisers

Advertisers

Langaw, problema sa camsur

0 185

Advertisers

PERWISYO ang dala ng mga langaw na pinaniniwalaang galing sa ilang poultry farm, malapit sa Barangay Bonot Sta. Rosa, at Manguiring, Calabanga, Camarines Sur.

Ayon kay Barangay Kagawad Marlon Benitez ng Bunot, ilang buwan na nila itong problema at sa katunayan kahit hindi naman harvesting period ng mga manok dagsa parin ang langaw sa kanilang lugar.

Apektado narin ang karatig na barangay ng Manguiring kungsaan sinabi ni Barangay Chief Tanod Benjamin Bensalida na may mga pagkakataon na sa loob na ng kulambo kumakain ang mga residente para maiwasan ang sakit na dala ng mga langaw.



Noong Agosto ng taon nag-issue ng memorandum si Mayor Eugene Severo sa lahat ng departamentong nakakasakop sa mga patakaran sa poultry farms na magsagawa ng regular na inspeksyon dahil sa problema sa langaw na idinulong sa BNFM Naga.

Nagkaroon ng joint inspection noong Agosto , nangako noon ang poultry farms na susunod pero mayroon paring nagdadala ng perwisyo sa iba.