Advertisers

Advertisers

Ryza ayaw isorpresa ng kalive-in ng wedding proposal, ‘di pa ready pakasal

0 232

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

KUNG ang ibang showbiz couple ay pagpapakasal na ang pinagpaplanuhan pagkatapos na magkaroon sila ng anak, iba talaga si Ryza Cenon. Hindi pa siya redi na magpatali kahit pa halos 2 taon gulang na ang kanilang anak ng partner na si Miguel Cruz.
Dahil uso ang marriage proposal at madalas caught in the act ang girl sa proposal ni boy, binalaan na rin ni Ryza ang partner na tanungin na muna siya nito kung handa na ba siyang pakasal.
“Sinabi ko na sa kanya before, inunahan ko na siya. Sinabi ko na: ‘Wag kang magpo-propose ng secret or isu-surprise mo ko kasi, baka mapahiya ka. Tanungin mo na lang ako ng diretso. Kasi, baka hindi pa ko ready.’ Ang sinasabi ko lang, hindi naman kailangang gano’n palagi. Na kung ano ’yung uso na may pa-surprise, pa-party, ’yung ganyan. Tapos, magpo-propose. P’wede namang intimate lang. Pero, hindi pa ngayon.
“Sinabi ko na sa kanya before, inunahan ko na siya. Sinabi ko na: ‘Wag kang magpo-propose ng secret or isu-surprise mo ko kasi, baka mapahiya ka. Tanungin mo na lang ako ng diretso. Kasi, baka hindi pa ko ready,’ say ni Ryza.
Si Ryza ba ang tipo ng babaeng a ‘no-no’ sa wedding vow?
“For me kasi, ang wedding, para lang siyang isang event.
“For me, ang importante pa rin ’yung relationship. ’Yung nabubuo ’yung foundation n’ya. So, kumbaga, papers lang ’yon. ’Yun lang ang magpapatunay na kasal kami. Bakit, kung wala ba ’yon, hindi p’wedeng magmahalan?
“Hindi ko naman sinasabi na tama ako at hindi ko rin naman sinasabing against ako sa kasal. Kanya-kanya naman kasi tayo ng paniniwala, di ba?”, dagdag na say ni Ryza.
***
NO stopping for Jay Manalo for doing sexy movies hanggang kaya pa niyang bumigay. Nakilala si Jay bilang si Totoy Mola na isang sex comedy movie at doon ay nalinya na siya sa pagpapasexy hanggang sa nagkaedad at gumawa ng mga serious role.
Pagtuntong sa edad na 47 ay nagtuluy-tuloy ang offer kay Jay sa pelikula at karamihan ay may temang kaseksihan tulad na lang ng mga movies nila nina AJ Raval in “Iskandalo”, Cara Gonzales in “Siklo”, Jela Cuenca in “Girl Friday” and Angeli Khang in “Mahjong Nights”, “Girl Friday” and now, “Selina’s Gold”.
“When Boss Vic offered me to go sexy, sabi ko puede pa ba ako diyan? Kasi I think I’m too old for that and let’s just leave it to the younger actors. Pero sabi nila okay lang naman daw. E, I consider Viva my home kasi dito talaga ako nag-start, so kung sa ikabubuti ba ng movie, di sige,” say ni Jay.
Sa latest movie niya na “Selena’s Gold” na streaming na simula sa Oct.28 sa lahat ng Vivamax streaming apps ay inamin ni Jay na grumabe na ang kanyang pagpapasexy, as in may butt exposure na ulit siya.
“Sa ‘Selina’s Gold’, maganda yung role as Tiag. Set ito noong panahon ng Hapon.
“Isa akong matandang mayaman sa aming bayan sa probinsiya. Pinagsasamantalahan ko ang kahirapan ng mga kababayan kong may anak na magaganda.
Ang request ko sana, upper half body lang ang ipapakita ko. But in each new movie I do, pagrabe nang pagrabe. In ‘Girl Friday’ and now, ‘Selina’s Gold’, may butt exposure na uli ako. E ako, trabaho lang naman ang hinahanap ko,” pahayag pa ni Jay.