Advertisers
Saan ka punta? To the moon? Hindi! Magbabakasyon sa Baguio City.
Bago umakyat sa kilalang “summer capital” ng bansa, pinaplano ng husto ng mga bakasyonista kung ano-anong mga tourist placet ang kanilang pupuntahan sa lungsod lalo na sa mga first timer – nandyan ang kilalang parke na marka ng Baguio City, ang Burnham Park. Walang sinoman bakasyonista ang nakalilimot sa parke dahil ito ay nasa puso lang ng lungsod at ang aktibidades na “boating”.
Marami pang mga magagandang tanawin sa lungsod, isa sa pinakabago ay ang Igorot Stone Kingdom. Nakamamangha ang manmade kingdom na ito.
Kadalasan, nakalilimutan ng nakararaming bakasyonista na isama sa kanilang itinerary kung saan sila kakain matapos ang pamamasyal kaya, ang bagsak nila ay sa mga fast food chain pa rin.
Hayun, ang kanilang almusal, tanghalian at hapunan ay mula sa fast food pa rin. Mga pagkain dito na pinaiiwas o pinapabawasan kainin ng mga nutritionist. Alam niyo naman na kung bakit.
Kaya sa mga nagpaplanong umakyat ng Baguio City sa mga susunod na araw, isama niyo na sa inyong itinerary kung saan kayo kakain – agahan, tanghalian at hapunan…isama na rin niyo ang miryenda.
Puwes, kung tamang kainan at may masasarap ang putahe ang hanap niyo…tara sa ROAD TRIP Kitchen & Café na matatagpuan sa Upper Ground Floor ng Cedar Peak Condominium, Upper Mabini St…malapit lang ito sa Session Road kaya madaling makita, mapuntahan at hindi kayo maliligaw. Parking space? Wala pong problema.
Kaya sa pagpunta sa lungsod, inyo nang ikonsidera ang Road Trip. Masasarap ang putahe dito – hindi niyo na kailangan pang pumunta sa Ilocos – dinala na sa Baguio City ang Ilocos. Opo, authentic Ilocano dishes ang isinisilbi ng Road Trip.
Ano-ano naman ang best seller ng Road Trip na itinatag noong April 2018 ng may-ari na si Ginoong Richard Busini, tubong Ilocos? Heto ang ilan sa natikman ko na personal kong mairekomenda; grilled beef in caldareta sauce; crispy dinakdakan; crispy dinuguan; pakbet with bagnet; dried spicy adobo. Masarap at abot kaya ang presyo. Sulit na sulit po ang lahat. Makalilimutan mo ang pangalan mo kapag natikma mo ang mga ito. Hehe..he…I mean, hindi mo makaliliutan ang resto at ito ay inyong balik-balikan
Katunayan, ang mga natikma ko ay pawang nasa listahan ng best seller ng Road Trip. Narito pa ang mga binabalik-balikan ng kanilang mga suki; BellyChon Sinigang; BellyChon Paksiw; BellyChon Kare-kare; Igado Ilocano; Sinisig Chicharon Bulaklak; Ini-ing Lechon Kawali; Beef Pigar-Pigar; Seafood sa Gata; Seafood Sinigang sa Kamatis; Black Pepper Crab in Creamy Salted Egg; Kiwar-Kiwar (sinisig chicharon bulaklak, silet at lechon kawali) at Pinaputok na Relyenong Bangus.
Hindi lamang ito ang nakatatakam na inihahanda ni Chef Richard (ang may-ari) sa mga kustomer kung hindi marami pa tulad ng pancit vigan; pancit vigan beef pigar-pigar; pancit vigan in salted egg at seafood pancit vigan.
Para mas okey at hindi makalilimutan ang selfie/groupfy ng pamilya at dabarkads subukan din niyo ang boodle fight menu ng Road Trip. Tiyak na mas mag-e-enjoy kayo. Habang sa mag-isa o trip ang ‘ika nga platter meal ay mayroon affordable rice toppings ang restoran.
Katunayan, sulit na sulit ang per serving at higit din sa lahat ay magandang pangFB at IG ang presentation ng mga pagkain. Ambiance? Malinamnam din este, pang-selfie din. Maipagyayabang mo sa FB at IG mo. Hehehe…
O ano, akyat na ba kayo sa Baguio City bukas?. Brrrr….lamig na dito. Huwag kalimutan na bisitahin ang Road Trip. Masarap ang mga pagkain ito. A must try resto in Baguio. Kita-kits tayo sa Baguio ha…Tara Road Trip tayo sa Baguio.
Abangan, sino si G. Richard Busini. Ano ba ang mga pinagdaanan niya sa buhay at kung paano niya itinatag ang Road Trip Kitchen & Café?
O ano, tara sa baguio…tara sa Road Trip!