Advertisers
PATAY ang isang dating pulis nang barilin habang nakikipag-inuman sa Barangay San Isidro Zone 1, Tayabas city nitong Huwebes ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si ex-Police Corporal Kim Palanca Labado, 36 anyos, dating nakatalaga sa Tayabas City Police Station at naninirahan sa Brgy. Mateuna.
Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima sa kaniyang mga kaibigan nang dumating ang ‘di nakilalang lalaki at pinagbabaril ito 2:00 ng madaling araw.
Nagtamo ng mga tama sa katawan ang biktima na kaagad binawian ng buhay.
Mabilis na tumakas ang salarin na nakasuot ng short pants at itim na jacket.
Napag-alaman na isa sa 11 pulis ng Tayabas City PNP ang biktima na kinasuhan kaugnay sa pagkamatay ng anak ng isang lokal na politiko sa Quezon.
Isa umano si Labado na pinawalang sala ng korte base sa desisyon na wala itong direktang partisipasyon sa krimen noong Marso 14, 2019.