Advertisers

Advertisers

FOI HINDI KINIKILALA NG OMBUDSMAN?

0 1,989

Advertisers

Marami palang dumanas nang pagkaimbiyerna sa OMBUDSMAN partikular na sa hanay ng MEDIA na hindi makakuha ng mga record sa mga natetenggang kaso na kailangang maipaabot sa kaalaman ng sambayanan sa kung naaaksiyunan nga ba ang iba’t ibang katiwalian.

Mayroong ipinaiiral na FREEDOM OF INFORMATION (FOI) pero may mga MEDIA ang tablado sa OMBUDSMAN na ayaw bigyan ng mga record.., dahil ang pwede lang makasilip ng rekord ay ang nagdemanda o di naman kaya ay ang idinemanda!

Somalusep.., sa kabila pala ng EXECUTIVE ORDER No. 2 (Freedom of Information) ay wala pa rin palang karapatan ang mga mamamayang nagpapasahod sa kanila.



Sa madaling salita, hindi nila kinikilala ang FOI.., sa ilalim ng EO 3, binibigyang pahintulot ang bawat mamamayang Pilipino na makakuha ng impormasyon o sipi ng mga transaksyon ng gobyerno.

Ang punto ng ARYA ay maraming CORRUPTION CASES ang nakahain sa OMBUDSMAN.., pero, tila tinutulugan lang tulad na lamang sa HOUSING BACKLOGS na dapat ay nireresolba at pinapanagot ang lahat ng mga sangkot sa anomalya.

Naipangako ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR. na ang 6.5 million housing backlogs ay pupunuan bago matapos ang kanyang termino!

Subalit may agam-agam ang mga maralita.., dangan kasi, hindi pala busilak ang rekord ng ilan sa mga naitalaga.., kabilang ang Ilan niyang appointee na sumabit pala sa transaksyon ng isang ahensya kung saan siya minsang bumandera.

Tawagin natin siya sa pangalang FERICO LAXA.., na noong panunungkulan nito sa TECHNOLOGY AND LIVELIHOOD RESEARCH CENTER (TLRC) naganap ang bulilyaso. Sa kanyang kumpas, nagawa ng isang kumpanyang nakabase sa PAMPANGA na makautang ng P37.6 milyon gamit ang isang lupang makikita lamang tuwing tag-araw bilang prenda sa gobyerno.



Somalusep.., bahagi pala ng karagatan ang tinanggap na kolateral ng ahensyang pinamumunuan.., yun bang pag low-tide lang pwede makita at lakaran.

Nang kasuhan sa OFFICE OF THE OMBUDSMAN e natengga ang asunto hanggang sa mabaon sa limot sa paglipas ng panahon.., at ang masaklap, nang tangkain ng ilang MEDIA na makahingi ng rekord …., ayyy matik tablado dahil hindi raw sila puwedeng mabigyan.

Ano pa ang meron etong si FERICO LAXA? Bukod sa TLRC ay nagkalat din pala ito ng lagim sa NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA).., na heto pa, target niya ngayon ang pondo ng isa pang ahensya sa ilalim ng DEPARTMENT OF HUMAN SETTLEMENT AND URBAN DEVELOPMENT (DHSUD).

Sa mga ganitong katiwalian ay dapat lamang na maipaabot sa kaalaman ni PRESIDENT BONGBONG MARCOS.., na ang isa niyang naitalaga ay may tinatagong madilim na sikreto.., lihim na guwardiyado ng mga kampon ng kadiliman sa tanggapan ng Ombudsman hahaha!

Sa isang banda, mahusay si FERICO LAXA.., mantakin nyong alam niya kung anong ahensya ang malayo sa kontrobersiya pero maraming kuwarta.

Gamit ang P157 bilyong pinagsama-samang savings ng mga tanggapan sa ilalim ng DHSUD, aba jackpot nga naman siya lalo pa’t anim na buwan lang pala siya sa pwesto…, oops, hindi pa kasama riyan ang isang bilyong dolyar na tulong ng bansang Estados Unidos bilang suporta sa programang pabahay ng PBBM ADMINISTRATION.

Kaya naman pala tinawag ito na FERICO LAXA.., e hindi siya pumapatol sa barya-baryang ganansya dahil LAXA-laksang kadatungan ang target!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 0969 536 8851 para sa inyo pong mga panig.