Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
HANGGANG ngayon hindi matigil-tigil ang controversy na kinasasangkutan nina Sen. Chiz Escudero at ng Kapuso actress Heart Evangelista, tungkol sa kanilang hiwalayan isyu.
Nakatutok ang lahat sa mga post ng mestisang actress sa kanyang mga social media acct.
May lumabas na hindi lang kay Sen. Chiz nag-umpisa ang nasabing tsismis kundi mismong sa kampo ni Heart ay may tsika din na di-umano’y mayroon itong boyfriend sa ginagalawan niyang industria ng fashion.
Sinabi pa nga ni Marites at ni Marisol, na hindi na raw nila nakikitang suot ng Kapuso aktres ang kanyang wedding ring, kaya marami ang nagtataka at tinuldukan ang nasabing intriga.
Hiwalay na nga ang dalawa.
Ganuon pa man hanggang ngayon suot pa rin ng Senador ang kanyang wedding ring kaya marami ang nagsasabing mahal pa rin nito ang mestisang misis kahit hindi sila gaanong nagkikita dahil pareho silang busy sa ginagalawan nilang industry.
Tuwing makikita ng mga empleyado sa Senate building ang gwapong Senador, binabati nila itong “How are you sir?” Isang matamis na NGITI lang ang tanging sagot nito sa kanila. Kaya wala silang makuhang Marites.
Marami ang nagsasabi na dahil sa pananahimik ng senador tungkol sa tunay na dahilan ng kanilang hiwalayan, marami tuloy ang humahanga sa kanya.
Kung dati kasi mababasa sa socmed ang mga comment tungkol sa kanilang dalawa tila agrabyado dito si Heart sa mga pangyayari.
Pero ngayon nagbago ang lahat at sa Senador na sila kumakampi dahil sa pagsasawalang kibo nito.
***
Noong kasagsagan ng pandemic, marami ang nagtatanong kung makababalik pa ba ang showbiz industry dahil maraming artista natin ang walang trabaho at ang iba ay nag online selling para mapunuan ang pang araw-araw na gastos.
Nagkaroon pa nga ng mga online concert ang magagaling nating singer para hindi sila mabato at ma-exercise ang kanilang vocal chords.
Pero nang unti-unting nawawala ang virus, nabuhay ulit ang music industry dahil sa sunud-sunod ang mga concert ng foreign at locals artists.
Kaya maraming aspirant singer na gustong ibahagi ang kanilang talento.
Isa na rito ang alaga ni 1st season Tawag ng Tanghalan runner-up Froilan Canlas, na si Kinn Reyes, kung saan siya ang nag-compose ng debut tracks nito entitled “Signs” na digitally released on his birthday last October 12, under Believe Music.
Si Kinn ay ipinanganak noong October 12, 2002 at nakatira sa Plaridel, Bulacan. Dahil sa gusto niyang mapabilang sa nga sikat nating singer tulad nina Michael Pangilinan, Bruno Mars, Ed Sheeran and Michael Jackson, nagsimula siyang magka- interes noong sophomore student siya sa Enderun College at hindi niya namalayang kumakanta na siyang mag-isa.
Doon nagsimula ang kanyang pangarap na maging singer at sa influence ni Coach Froilan nagkaroon ito ng kasagutan at napanood siya sa online shows like “It’s ShowTime, IWant ASAP, Letters and Music, Myx Global, GMA Playlist at sa iconic Wish Bus to promote his latest single “Tamang Panahon” under Universal Records, at out na ito sa Spotify, YouTube and Apple Music ganun din sa Itunes at sa iba pang major streaming platforms worldwide.
Magkakaroon siya ng post birthday concert this coming October 16, 2022 at BEVITORE Bar along Tomas Morato, at all proceeds will go to “Bahay at Yaman” ni San Martin de Porres in Bustos, Bulacan.
You can catch Kinn in his social media accounts in Facebook, Instagram, YouTube and Twitter.