Advertisers

Advertisers

Ire-program ang 4Ps; at panglimang postponemt ng BSKE

0 233

Advertisers

HALOS P900 billion na pala ang naubos sa benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) simula nang ipatupad ito noong 2007, na ang pangunahing rason ay para tulungan ang mahihirap na pamilya na mapaaral ang kanilang mga anak.

Sa datus ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang ahensiyang nagpapatupad sa 4Ps, sa higit 4 milyong benepisyaryo, nasa 97,000 palang ang naka-graduate sa programa o nakaahon sa kahirapan.

Kung iko-compute, sabi ni Senador Imee Marcos, lalabas na P9.2 million ang ginastos ng gobyerno para sa bawat pamilyang naka-graduate sa programa.



“Kakarampot lang ang naka-graduate sa poverty eh. Ano kaya binigyan na natin sila ng P9.2 million, laking tuwa niyan, milyonaryo kaagad. Kaya pinagtatanong sa Senado, sulit ba ang programa sa 4Ps?”, sa ng “Super Ate” ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.

Tama si Imee. Napakalaki na ng naubos ng gobyerno sa 4Ps pero iilan lang ang nakaahon sa kahirapan. May mali sa programa.

Sa ganang akin, ano kaya kung ang buwanang ibinibigay sa bawat pamilyang benepisyaryo ng 4Ps ay idaan nalang sa livelihood. I-training muna sila sa TESDA sa kung anong pangkabuhayan ang gusto nila. Tapos ibigay sa kanila ang pang-isang taon na dapat nilang matanggap bilang benepisyaro at iyon ang kanilang gamitin sa pangkabuhayan ayon sa kanilang pinag-aralan sa TESDA.

Sa TESDA ay marami kang matutunan tulad ng baking, paggawa ng mga sasakyan, welding, karpintero, poultry raising, gardening, pangingisda, pananahi, at marami pang teknikal na kapaki-pakinabang para makapagsimula ng negosyo na ‘di kailangan ng malaking puhunan.

Tutal naman ay halos libre na lahat ngayon ang edukasyon mula daycare hanggang koliheyo. Nasa mga magulang na ‘yan kung hindi nila sikaping hikayatin ang kanilang mga anak makatapos sa pag-aaral, habang sila naman ay abala sa pangkabuhayan na kanilang natutunan sa TESDA.



Sabi kasi ng marami, simula nang ipatupad ang 4Ps ay marami na ang naging tamad, naghihintay nalang ng buwanang payout. Tapos pagkakubra ay inuubos lang sa bisyo (sugal, alak, sigarelyo).

Oo! Tama ngang baguhin na ang takbo ng programang ito. Ibuhos nalang ang pondo sa pagturo para sa pangkabuhayan ng bawat benepisyaryo kesa bigyan lang sila kada buwan na hindi naman talaga makakaahon sa kanila sa kahirapan.

Turuan silang mamuhay, hindi ang pakainin lang. Mismo!

***

Pinirmahan na ni Pagulong Bongbong Marcos, Jr. ang panukalang pagpaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa halip na sa Disyembre 5, 2022 ganapin ang BSKE, sa huling Lunes nalang ng Oktubre 2023 ito ganapin.

Pang-limang postponement na ito simula 2016, 2017, 2018, 2022 at 2023. Sobrang overstaying na ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay.

Bunga ito ng pangako ng mga politiko sa mga barangay kapitan na ginamit nila sa pangangampanya nitong 2022.

Isa sa mga rason ng mga kongresista at senador sa pagpaliban sa BSKE ay gamitin muna ang pondo para sa pagbangon ng ekonomiya kuno na pinadapa ng pandemya ng Covid-19. Pero magiging doble ang gastos sa pagpaliban sa eleksyong ito, sa halip na P8.4 billion ay magiging P19 billion na.

Sana lang ay huling postponement na ito ng BSKE. Animal!