Advertisers

Advertisers

MINAHANG YINGLONG STEEL PINAIIMBESTIGAHAN NI PBBM!

0 21,250

Advertisers

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Yinglong Steel Corporation na nauna nang nabigyan ng notice of violation at cease and desist order dahil sa pagmimina nito ng iligal sa bayan ng Sta. Cruz sa Zambales.

Ang nasabing kompanya ay patuloy na nagmimina kahit wala itong pahintulot mula sa DENR at walang pinanghahawakan na environmental compliance certificate o ECC.

Ang pagpapaimbestiga ni President Bongbong Marcos sa naturang kompanya ay bahagi sa kampanya ng kasalukuyang administration na palakasin at paigtingin ang pagsupil sa mga lumalabag sa batas at patuloy na gumagawa ng ilegal at anomalya.



Sa kanyang ika-100 araw, ipinagmalaki ng Pangulo ang kanyang mga nagawa at ilan dito ay ang paggulong ng imbestigasyon sa isyu ng kontrobersyal na sugar importation at ngayon ay nais naman niyang tutukan ang mga ilegal na nagmimina at sumisira sa ating kalikasan.

Magugunita na ang Pangulo ay nagsusulong ng adbokasiya na pangangalagaan ang kapakanan ng mga tao, kalikasan at ang interes ng bansa at tututok para masugpo ang operasyon ng mga illegal miner. Ang hamon sa pagsusulong ng responsableng pagmimina ay isa sa tinututukan ng administrasyon ni Pangulong Marcos.

Para naman sa DENR na pinamumunuan ni Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, higit pa nilang paiigtingin ang pagpapatupad sa mga environmental laws at pagmamatiyag sa mga gumagawa ng illegal mining activities sa bansa.