Advertisers
Ni JOVI LLOZA
KAPANSIN-pansin para sa netizens na tila boring na raw ang It’s Showtime sa pagkawala ng main host na si Vice Ganda.
Hinahanap ng viewers kung bakit one week itong di nasilayan sa nasabing programa.
Kanya-kanyang spekulasyon naman ang mga netizens.
May mga netizen na nagsasabi na baka lilipat na ito sa ibang network.
May kuda rin ang iba na baka nagpapaka-meme muna si Vice sa dyowang si Ion Perez.
Pero sa YT channel ng kanyang ex manager ay sinasabi nito na kilala niya ang komedyante.
Dagdag tsika pa na malamang ay naimbiyerna ito sa mga kasamahang hosts sa nasabing programa.
Wala man lang daw kasi itong kabatuhan sa kanyang mga punchline kumbaga mag-isa lang siya.
May kumuda naman na netizen na bakit daw hahanapin ni Vice sa ibang kasamahan ang pagpa-punchline ay di naman sila mga stand up comedian.
***
SA latest upload ng Tiktok video ni Joshua Garcia ay umani ito ng napakaraming likes, comments, shares at umabot sa milyon ang views.
Sumayaw naman si Joshua ng SPIN BACK na latest dance step.
Kahit si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ay napakomento sa Tiktok video ni Joshua.
Sinundan naman ng leading lady nito sa Darna na si Jane De Leon.
Kaya naman may mga pakuwelang paandar ang followers ni Joshua na nagkomento sa pag-comment ni Pia.
“Naku walang Miss U! Miss U! dito, pumila at doon ka sa likod.
“May nanalo na sa puso ni Joshua, si Racel Racelis kaya wag ka nang pumila.
“Pumila at huwag kang makipag unahan,” sabat naman ng isa pang follower na parunggit kay Pia.
At marami pa ngang kuwela na patutsada sa pagkomento ni Pia sa Tiktok video ni Joshua.
Well, well, well…Yun na!