Advertisers

Advertisers

Quiapo Church naghahanda na para sa Traslacion 2023

0 190

Advertisers

NAGHAHANDA na ang pamunuan ng Quiapo Church para sa tradisyon na Traslacion. Naglabas na ng opisyal na logo at temang Traslacion 2023: “Blessed are those who listen to the Word of God and keep it. (Luke 11:28).”

Sinabi ng Quiapo Church na ang logo para sa Traslacion 2023 ay hango sa walang katapusang pagbisita ng mga deboto at mananampalataya sa simbahan sa kabila at dahil sa pandemya.

Ang krus sa logo ay sumisimbolo sa kaligtasan ng mga mananampalataya habang ang kulay maroon ay kinuha sa tradisyonal na kulay ng mga damit ng Itim na Nazareno. Ang kulay kahel ay sumisimbolo sa liwanag sa gabi.



Ang kampana ng simbahan ay nagsisilbing simbolo para sa mga mananampalataya na magkaisa sa panalangin.

Tampok din sa logo ang simbolo ng Sinodo at rosaryo bilang pakikiisa sa paghahanda ng Simbahan para sa Sinodo ng mga Obispo sa Oktubre 2023 at ang patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa mga konsultasyon ng synodal ng mga diyosesis.

Bilang bansa ng Pueblo Amante de Maria, itinampok ang Santo Rosaryo dahil sa pamamagitan ng panalangin, iginapos ng Mahal na Birhen ang mga mamamayan sa landas ni Hesus.

Ang mukha ng Itim na Nazareno ay sumisimbolo sa liwanag ng pag-asa sa gitna ng maraming hamon sa mundo ngayon.

Hindi pa inaanunsyo ng mga organizer kung magkakaroon ng prusisyon sa susunod na taon. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">