Advertisers
NATUNTON na ng mga awtoridad sa Hong Kong ang dalawang Pilipino na nanaksak sa kapwa Pinoy noong October 9.
Kinilala ang mga salarin na ang isa ay may inisyal na MRD, 46 anyos, construction worker sa Hong Kong; habang ang isa ay may inisyal na ABM, 55, private driver doon.
Sa ulat, humarap ang dalawang salarin sa korte nang maaresto ng Wan Chai District Anti-Triad Team.
Sa report, hindi pinayagan ang construction worker ng Hong Kong court na makapagpiyansa.
Habang pansamantalang nakalaya ang driver nang payagan ng korte na makapagpiyansa.
Ayon sa report, kapwa nagtamo ng maraming saksak sa mukha at iba pang bahagi ng katawan ang dalawang Pinoy na biktima dahil sa pag-atake ng dalawang nabanggit na mga kababayan.