Advertisers
ABOT kamay na ni Carlo Biado na mapanateli ang kanyang US Open 9-Ball Championship title matapos umabante sa last 16 Huwebes, sa Atlantic City, New jersey.
Unang pinabagsak ni Biado si Petri Makkonen ng Finland, 9-4, bago binugbog ang Japanese Naoyuki Oi, 9-6 para umakyat sa race-to-10 knockout stage kasama sina Lee Van Corteza at Roland Garcia.
Binugbog ni Corteza si United kingdom Jayson Shaw, 9-2, bago teneris ang dating world champion Ko Pin Yi ng Chinese Taipei, 9-4, Habang si Garcia pinagtripan si Jesus Atencio ng Venezuela, 9-4, at Poland’s Wojciech Szewczyk, 9-6.
Dahil sa panalo ni Biado ay makakaduelo nya si Konrad Juszczyszyn ng Poland,Habang sina Corteza at Garcia ay makakabangga sina Chris Melling ng United Kingdom at Max Lechner ng Austria.
Johann Chua at Roberto Gomez ay maagang tumalsik sa round of 64, Si Chua ay yumuko kay Eklent Kaci ng Albania, 9-7, at si Gomez ay nabigo kay Wu Kun Lin ng Chinese Taipei, 9-3.