Advertisers
Ang Golden State may kartadang 3-1 sa pre-season na mga laro ay di inaasahan na magkaroon ng sigalor sa pagitan ng beteranong Draymond Green at ang paangat na si Jordan Poole.
Lalo pang lumala ang problema ng mag-leak sa media ang video ng suntukan ng dalawa sa mahahalagang player nila.
May suliranin na nga sila kung bibigyan ng max extension si Green at mga dagdag na sahod kina Andrew Wiggins at pati si Poole.
Nawala na nga si Gary Payton Jr at napunta sa Portland dahil hirap sila sa salary cap tapos pumasok pa ang kontrobersya.
Kailangan mabalanse ng management ang lahat ng bagay pati ang nasa loob ni superstar Steph Curry. Nais ng best 3-point shooter siyempre na huwag mawala si Green pati sa Thompson sa line-up. Pero patanda na rin ang dalawa at may mga mas batang na gumagaling ang game.
Yan ang tunay na balancing act!
***
May all -star game na hinanda sina Kons Rey Evangelista ng Ormoc para sa kanyang mga kababayan sa Southern Leyte.
Mga celebrity kontra mga legend ng PBA masasaksihan ng mga Ormocanos sa ika-17 ngayong buwan sa kanilang Superdome.
Sina Onyok Velasco, Joross Gamboa, Ion Perez,Cholo Barretto at Marco Alcaraz vs Allan Caidic, Kenneth Dueemdes, Dundon Hontiveros, Jayjay Helterbrand at Willie Miller.
Makakasama rin sina Gab Lagman at Paul Salas para sa mga taga-showbiz. Derating din sina KG Canaleta, Wesley Gonzales at Rico Maierhofer para sa mga ex-pro.
***
Nagpagpagawa si Tata Selo ng whole court sa kanilang probinsya sa Bulacan. Bale inabot daw ng P122,000.00 ang dalawang set ng goal na may steel stand, fiberglass na board, heavy duty na snap-back ring at net. Yung board, ring at net nabili ni Tatang sa Raon, Quiapo. Yung bakal naman pina-fabricate sa isang kababarrio. Nag-canvass daw talaga siya ng tamang presyo na de kalidad. Merong mas maniipis na board nguni’t ang 1/2 kapal ang pinili niya. Ganoon din sa snap-back na may ordinary naman pero ang mas mahal ang naging final choice niya. Pick-up lahat yan kasi may extra-bayad pa ang delivery.
Wala pa raw diyan ang sementadong flooring na gastos daw ay nasa P250,000.00 pa.