Advertisers

Advertisers

Flying Titans wagi vs Cargo Movers

0 177

Advertisers

NASUNGKIT ng Choco Mucho Flying Titans ang kanilang unang tagumpy sa Premier Volleyball league (PVL) Reinforced Conferenced matapos ang four-set laban sa F2 cargo Movers, 25-21,22-25,25-20,26-24, sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nagtala ang Choco Mucho ng back-to-back set points sa fourth na 4-0 finishing kick upang ibaon ang undermanned Cargo Movers winless sa 2 outings.

Pinamunuan ni Odina Aliyeva ang opensiba ng Flying Titans sa tinipang 27 points. Kat Tolentino at Bea de Leon nagdagdag ng tig-11 points sa locals.



Player of the Game Denden Lazaro- Revilla inilatag ang matinding depensa para sa Choco Mucho na 26 excellent digs at 11 excellent receptions.

Kalei Mau nagdagdag ng 15 points habang dalawa pang F2 player ang nagtala ng twin-digit scoring.

Pinuri ni Choco Mucho coach Oliver Almadro ang kanyang player sa ipinakitang matinding laban kontra F2.

“Every game is gonna be a tough game for us. Sabi ko lang kanina we have to want it more. And sabi ko sa mga players ko na keep the faith and let’s work together. Nag-deliver naman,” Wika ni Almadro.

Makakaharap ng Choco mucho ang PLDT High Speed Hitters sa Huwebes, October 20.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">