Advertisers

Advertisers

Grade 10 student, ni-rape at pinatay

0 309

Advertisers

BASAG ang bungo nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita na ginahasa ng kapitbahay nitong Miyerkules, Oktubre 12, sa Claveria, Masbate.

Kinilala ang biktimang sa pangalang “Ashley”, 15 anyos, residente ng Barangay Cawayan, Claveria.

Nadakip sa follow-up operation ng pulisya ang itinuturong salarin na hindi muna pinangalanan.



Sa report ng Claveria Municipal Police Station, 7:00 ng umaga natagpuan ang bangkay ng biktima sa may kakahuyan ilang metro ang layo sa bahay nito.

Kwento ng lolo at lola ng biktima, Linggo ng umaga nagpaalam ang kanilang apo (biktima) na manguha ng kahoy panggatong.

Subali’t, kinagabihan hindi parin bumabalik sa kanilang bahay ang biktima kaya nag-alala ang dalawang matanda at ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang pagkawala ng apo.

Ilang araw ang nakalipas, natagpuan ang bangkay ng biktima sa kakahuyan at pinaniniwalaan ginahasa ito saka pinatay sa pamamagitan ng pagpalo ng matigas na bagay sa ulo.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing krimen.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">