Advertisers
LUMALAKAS ang panawagan sa resignation ni Justice Secretary “Boying” Remulla.
Ito ang mga nababasa sa social media ngayon, kasunod ng pagkaaresto ng PDEA via controlled delivery ng high-grade marijuana o “kush” mula sa Estados Unidos sa panganay na anak ni Sec. Boying na si Juanito Remulla lll, 38 anyos, nitong Oct. 11.
Mismong sa kanilang bahay sa Las Pinas City inaresto si Juanito lll matapos tanggapin ang kontrabandong nakapangalan sa kanya.
Nagkataon na sa Geneva, Switzerland si Sec. Boying nang arestuhin ang kanyang anak. Pero nagpadala agad ito ng kanyang hand written statatement. May edad na raw ang kanyang anak at wala na ito sa kanyang poder, hindi na niya ito kontrolado. Hindi raw siya makikialam sa kaso nito. Sumumpa raw siya sa kanyang tungkulin as Justice Secretary ng bansa. Period!
Pero ang panawagan ng netizens: “Resign Sec. Remulla”. Nawalan na raw ito ng kridibilidad sa pagkahuli ng anak sa droga.
Pero idenepensa ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ang kanyang Cabinet member. Wala raw basehan para pagbitiwin si Sec. Boying.
Pero makayanan kaya ni Sec. Boying at ni PBBM ang pressure ng taumbayan tulad ng nangyari sa “nagbitiw” na Executive Secretary, Atty. Vic Rordriguez? Let’s see!!!
Kinasuhan na ang batang Remulla ng paglabag sa importation ng illegal drugs at paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act. Subaybayan!
***
Minsan mahirap din ang maging palabiro lalo na kung ikaw ay seryosong tao. Tulad ni Senador Alan Peter Cayetano, kilala sa pagiging seryosong politiko. Pero madalas ay palabiro rin siya. Mahilig siya sa “dad jokes”, mga patawa na minsan corny, pag-iisipan mo muna bago mo ma-gets. Ginagawa niya ito para i-bring home ang punto niya. Tulad nitong Huwebes sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Senado. Nang tanungin niya ang ilang opisyal nito kung naaalala nila ang isang chance meeting nila, sumagot ang mga ito ng hindi. Sinabi niya ( in jest) na padadalhan niya ang mga ito ng vitamins para gumanda ang memory nila. Joke lang ito, pero may tama. Hehehe…
May isa pa siyang sinabi na obvious na joke – at tinawanan pa ng mga nasa hearing. Pero alam nating may hugot din. Tungkol ito sa proposal na gawing park at central business district ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Ganito ang sinabi niya: “One of the proposals during the Duterte administration is if matuloy ‘yong Bulacan and Cavite airport, gawin nang park kahit kalahati ng NAIA ‘di ba? At ito magiging lungs o central park ng Pilipinas then ‘yong kalahati ibenta as central business district.”
Ang joke: “Actually ako may amended proposal doon, ‘yong kalahati gawing park, ‘yong kalahati hatiin sa dalawa. ‘Yong una gawing Ferdinand Marcos Sr. Business Park, ‘yong kalahati gawing Ninoy Aquino Business Park para mag-compete ‘yong mga negosyante rather than boycott, boycott, tignan nalang natin kung saan sila pupunta doon sa dalawa, ‘di ba?”
Obvious na joke lang ito, pero saan ba hinugot ito? Hindi ba sa magkaaway na panig na gustong ipangalan ang lugar sa respective na sinusuportahan nila? Dinaan niya sa isang patawa ang pag-a-address sa isang problemang pumipigil sa progress ng bansa: division o disunity. Kung hindi tayo magkakaisa sa isang napakasimpleng bagay, e di bigyan ng Solomonic solution, kumbaga: hatiin sa dalawa ang proposed central business district para ma-satisfy ang magkabilang panig.
Joke lang ito ng senador, pero hitik ito sa pagtutuligsa sa kasalukuyang estado natin bilang mga mamamayan. Tama na siguro ang bangayan, magkaisa naman tayo. Otherwise, baka nga mauwi tayo sa isang absurd situation na hahatiin nalang natin ang public properties para lang mapalamig ang ulo ng mga nag-aaway-away.