Advertisers

Advertisers

NAKABIBILIB ANG HUSAY AT GALING NI EXECUTIVE SECRETARY LUCAS BERSAMIN

0 203

Advertisers

Inamin nga pala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nasa proseso pa raw ng transition at rightsizing program ang pamahalaan.

Ito raw ang dahilan kaya wala pa ring itinatalagang ‘full-time secretary’ ng Office of the Press (OPS).

Si Undersecretary Cheloy Velicaria-Garafil ang kasalukuyang namamahala sa OPS bilang Officer-In-Charge (OIC).



Sinasabing bahagi ito ng rightsizing program at kumpiyansa si PBBM na makakahanap din siya ng tamang tao para rito.

Malawak ang karanasan ni Velicaria-Garafil sa gobyerno bilang batikang public servant at abogado.

Bukod sa OPS, bakante pa rin ang Department of Health (DOH) kung saan tumatayo naman bilang OIC si Usec. Maria Rosario Vergeire.

Sa palagay ko, dapat nang iluklok si Velicaria-Garafil bilang Press Secretary habang DOH Chief naman si Vergeire.

Hanggang ngayon, bakante rin ang Commission on Audit (COA) makaraang mag-resign si dating Chairman Jose Calida dahil daw sa problema sa kalusugan.



Sa Office of the Executive Secretary naman, nariyan na si dating Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin.

Siya ang pumalit sa nag-resign na si dating ES Vic Rodriguez.

Ilang linggo pa lang sa kanyang posisyon, aba’y maraming nagtatanong tungkol kay Bersamin.

Well, siya ay naitalaga sa Court of Appeals (CA) noong Marso 2003 at hindi naglaon ay iniluklok siya bilang ika-25 na Punong Mahistrado.

Bago nga pala siya napunta sa appellate court, matagal ding sumabak sa private legal practice si Bersamin bago naging Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court, Branch 96, noong November 1986.

Noong 1973 ay nagtapos siya ng abogasya sa University of the East (UE).

Maituturing nga si Bersamin bilang isa sa mga “best and brightest” dahil naging topnotcher o pang-siyam siya sa Bar Examinations ng taon ding iyon.

Mantakin n’yo, nakakuha siya ng average na 86.3%.

Kung hindi ako nagkakamali, naging fellow siya ng Commonwealth Judicial Education Institute sa Dalhousie University sa Halifax, Canada.

Ginawaran siya ng Chief Justice Jose Abad Santos Award (Outstanding RTC Judge noong 2002) sa idinaos na 11th Judicial Excellence Awards (JEA).

Nabatid na sa JEA naman noong 2000, nasungkit ni Bersamin ang Best Decision in Civil Law at Best Decision in Criminal Law awards, ang pangaral at achievement na hindi pa kailanman naduduplika o napapantayan.

Isa rin siya sa mga itinanghal bilang 60 Most Outstanding Alumni Awardees sa Diamond Jubilee Awards noong 2006 at naging Outstanding Alumnus in the Judiciary noong 2001.

Kinilala rin siya bilang Outstanding Alumnus in Government Service, Judiciary at Outstanding Alumnus in the Field of Law ng UE Alumni Association, Inc. noong taong 1991.

Tunay na matalino at walang bahid-dungis ang mamang ito.

At sa galing at husay ni Bersamin, wala ka nang hahanapin pa.

***

Gusto mo ba ng ayuda o tulong pangkabuhayan? Bet mo rin bang matuto tungkol sa pagsasaka, sa mga programang pang-agrikultura, pambarangay, atbp.? Aba’y tayo na’t manood at makinig ng “Barangay 882” sa IZTV (Channel 23) at DWIZ. Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa DWIZ 882 FB page, IZTV/Radio, at Youtube DWIZ ON-DEMAND tuwing Sabado ganap na alas-4:00-5:00 ng hapon.

***

At para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, atbp., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-private message sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa aking FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin po ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Maraming salamat po at stay safe!