Advertisers

Advertisers

Regine aminadong pumapatol sa bashers pag si Ogie at ang anak ang target

0 226

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

AYON sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, iba na raw talaga ang panahon kumpara noong heydays nila sa showbiz na hindi pa uso ang social media.
Ngayon daw ang dami nang bashers na ginagamit ang social media para sa maling paraan, tulad ng pamba-bash at hindi raw ligtas dito maging ang mga celebrities.
Para naman kay Regine, tanggap daw naman niya ang mga batikos ng bashers, basta raw i-spare na lang ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawang si Ogie Alcasid at anak na si Nate.
Aminado kasing minsan nagagawa na rin niyang pumatol sa kanyang detractors lalo na’t kung below the belt na ang mga banat sa kanya.
“Dapat, actually, hindi ko na pinapansin, pero. . .Kasi ‘pagka ‘yung ako, ako ‘yung pipintasan or whatever. Kung ako, parang I don’t really mind, I’m used to it. But kung ‘yung family ko, especially ‘yung asawa ko, nati-trigger ako,” ani Regine.
Ilan daw sa natitira sa kanila ang tungkol sa relasyon nila ng husband na si Ogie.
“I mean, don’t get me wrong, our relationship is not perfect. Wala namang relasyon na perfect, eh. Pero parang to wish that (ang maghiwalay sila) in a couple para sa isang couple na. . .obviously.
Sa dami ng pinagdadaanan ng bansa, ani Songbird ay nagtataka raw siya kung bakit ganito ang mentalidad ng ibang mga tao.
“Ang dami na nating pinagdaanan, my gosh! Ang daming nabawas sa atin, namatayan tayo, ang daming nawala sa atin, hanggang ngayon ba, ganu’n pa rin? Hindi pa ba tayo natuto?
“Hindi ba dapat, more than anything else, mas maganda if we try to encourage each other and support each other knowing that ang dami sa ating may pinagdaanan. Lahat tayo. Depression, lahat, anxiety. Dinaanan natin lahat ‘yan.
“Hanggang ngayon, ganu’n pa rin tayo. Parang hindi tayo natuto. So, nakaka-sad,” sey niya.
Sey pa ni Regine, sobrang bait din daw ng kanyang mister na si Ogie kaya madalas na naipagkikibit-balikat na lang nito ang mga banat sa kanya kumpara sa kanya na may pagka-vocal.
Si Regine ay tinanghal na Female Concert Performer of the Year para sa kanyang “Unified” concert kasama si Sarah Geronimo sa ginanap na 13th PMPC Star Awards for Music sa Newport Resorts World kamakailan.
Si Ogie naman ang nagwaging Male Concert Performer of the Year para sa “Kilabotitos” concert na naka-tie nito si Daniel Padilla para sa “Apollo” concert.