Advertisers

Advertisers

Tambalang Barbie at David kinakikiligan sa serye

0 222

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

ISA si Lotlot de Leon sa mga artistang nakatatawid kahit saang TV network.
Kaya naman kahit mas madalas siyang napapanood ngayon sa Kapamilya station ay mapapanood pa rin si Lotlot sa GMA, tulad ngayong Sabado kung saan isa siya sa mga tampok na artista sa isa na namang brand-new episode ng Magpakailanman.
Gaganap si Lotlot bilang si Mila sa kuwento na pinamagatang “Small Boy, Big Dreams: The Leo Consul Story,” October 15, 8:15 p.m. sa Magpakailanman o #MPK sa GMA na gaganap si Bruce Roeland bilang si Leo at Raphael Landicho bilang batang Leo.
Kuwento ito ng isang Pilipinong sikat na artista sa Indonesia na tampok din sina Gary Estrada bilang Erning, , Seth dela Cruz bilang Adonis, at Angelica Ulip bilang Grace.
Ito ay sa direksyon ni Jorron Lee Monroy, sa pananaliksik ni Georis Cielo Tuca at panulat ni Loi Argel Nova.
***
GABI-gabing pinag-uusapan ng viewers at netizens ang hit historical portal fantasy series ng GMA Network, ang “Maria Clara at Ibarra.”
Nakatutok talaga ang mga manonood sa paglalakbay ni Klay (Barbie Forteza) sa mundo ng nobela ni Dr. Jose Rizal. Pero isa rin sa inaabangan ngayon ng fans ay kung may mabubuong pagtitinginan ba sa pagitan nina Klay at Fidel (David Licauco) na binansagan bilang “FiLay”.
Sa episode kagabi, October 12, nagkainitan sina Klay at Fidel habang nagdidiskusyon tungkol sa pagiging makapangyarihan ng mayayaman. Ayon kay Klay, hindi dapat maging makasarili at abusado ang mga taong nakakaangat sa lipunan gaya ng mga negosyante.
Buwelta naman ng mestizong si Fidel, “Ano bang alam ng isang babaeng kagaya mo sa mga komplikasyon, proseso at paraan ng pagnenegosyo?” Dito na napa-English ang ating Gen Z Maria Clara at sinabing, “Your idiotic and misogynistic outburst is quite annoying!”
Papalag na dapat si Fidel kay Klay pero pinigilan siya ni Ibarra (Dennis Trillo). Laking gulat naman ng mga ginoo nang biglang sampalin ni Klay si Fidel! Napa-comment tuloy ang ilang netizens sa Facebook page ng GMA Drama, “Red flag si Fidel pero team #FiLay pa rin ako. Kahit nag-aaway, nakakakilig pa rin! Ang intense nito. Galing niyo talaga, nangangamoy award ang acting!”
The more you hate, the more you love nga ba? Or hanggang enemies na lang talaga sina Klay at Fidel? Subaybayan ang past with a twist sa ‘Maria Clara at Ibarra’, mula Lunes hanggang Biyernes, 8PM sa GMA Telebabad at 9:40PM sa GTV.