Advertisers
Ni WALLY PERALTA
IPINAKILALA si Yana Fuentes sa pelikulang ‘PulaAng Kulay Ng Gabi” ng AQ Prime na nakakontrata ang kanyang byuti bilang contract artist.
Bukod sa nasabing movie, nalalapit na rin ang pagpapalabas ng mga pelikulang natapos nang gawin ni Yana sa AQ Pime tulad ng “Losers-1, Suckers-0” at ang “Peyri Teyl”. Bilang baguhan ay marami ang nakapuna kay Yana na isa siyang natural actress, na napansin ng mga kritiko na nakapanood ng kanyang first movie na PAKNG.
Halata rin na may ibubuga pa talaga sa akting si Yana na malamang magbigay sa kanya ng isang akting award.
“Two weeks pagkadating ko mula Japan ay binigyan agad ako ng makapal na script. Talagang inaral ko yun lalo pa nga’t magsisimula na kaming mag-shooting. Bilang isang baguhan, kabado talaga ako that time. At nahalata ko rin sa sarili ko na hindi ko talaga naibigay ang best of me.
“Wala po talaga akong workshop nang sumalang sa shooting kaya ganun na lang ang kabog ng dibdib ko. And feeling ko kulang na kulang ang aking akting.
Pero babawi ako sa next movie. Preparado na talaga at kumuha na rin ako ng akting workshop para mas lalong ma-enhance ang aking craft,” pahayag ni Yana.
Not everybody knows na bukod sa ganda ng mukha at kaseksihan ay nagtapos ng kursong law si Yana sa Japan, at balak niyang ipagpatuloy ito sa Amerika pero naagaw ang atensyon niya sa showbiz. Winner din si Yana sa beauty pageant.
“Pagkatapos po ng studies ko, sumali ako sa Miss Universe Japan noong 2020, kung saan naging second runner-up ako.
Sasama po sana ako sa Miss Charmed International as Miss Japan, kaya lang na-postpone po ang pageant,” say pa rin ni Yana.
Marami sa mga beauty enthusiast ang nagsasabing malakas ang tsansa ni Yana na maging isang Miss Universe sa taglay niyang ganda, kaseksihan and a brainy. May balak pa ba si Yana na sumali sa Miss Universe Philippines sa mga darating na taon?
“Gusto ko po sana, pero mas matimbang sa aking ngayon ang aking showbiz career at gusto ko dito na lang mag-focus. Pangarap ko rin naman ang maging isang aktres kahit noong bata pa ako.
Siguro, hindi na rin ako sasali pa sa mga beauty contest in the near future,” aniya pa.
There you are, Yana Fuentes the Miss Universe we never had.