Advertisers
SADYANG may mga taong likas na balasubas saan mang larangang kanilang kinabibilangan.
Sa mga liga ng basketball dito sa Metro Manila partikular iyong mga tinatawag na ligang labas,doon ka pala makatatagpo ng mga balasubas ,hestas at barabas di lang sa mga manlalaro kundi pati sa mga coach at maging team owners.
May mga players na nababayaran upang ilaglag ang laban ,coach na play ng talunan ang ididesenyo para ang kalaban ang manalo kapalit ng premyo mula sa kabilang kampo.
Sa team owners naman merong pangyayari na sumali lang pero ayaw magkampeon dahil mas malaki ang kanyang gagastusin kapag nanalo parikular sa bonus at perks ng kanyang players.
Pero ito ang klasik, may isang team sa ligang labas na dahil sa matindi ang lineup ay nagkampeon sila at naghari na expected naman .
Dahil nagkampeon ay nais nilang ipamalita sa bayang basketbolista ang tagumpay sa pamamagitan ng publicity sa mga pangunahing diyaryo sa bansa.
Dahil sa estado bilang team owners ay napagbigyan ang kanilang hiling na malathala ang tagumpay para malaman madlang pipol at makita ang tropeo at tindig kampeon sa photo ops.
Pero pagmatapos na mailathala ang kanilang luho,ni ha -ni ho ay wala nang narinig sa mga taong ito na alagad pala ng mga balasubas na sagad.
Naka-wantutri ang mga linsyak sa maliit na mundo ng basketbol na kanilang dinidribol.
Kakapal pala ng mukha at ang gaspang ay tulad ng surface ng bolang kanilang kawalanghiyaan. Makikilala niyo sila peks man… ABANGAN!
Lowcut: Good morning kay tsokaran Dennis Lim na utol ng mahusay na coach Braulio Lim. Pakikumusta naman kay bos Redondo, bossPullan at coach Agonoy. ALAHOY!