Advertisers
NASAWI ang isang babaeng guwardiya sa banggaan ng dalawang motorsilko sa Barangay Gaboc, Mercedes, Camarines Norte, Sabado ng gabi , Setyembre 15, 2022.
Kinilala ang nasawi na si Rissa Dasigan, 29 anyos, lady guard, ng Purok 1, Barangay Manguisoc, Mercedes.
Sugatan naman si alyas Miloy, 29 anyos, may asawa, ng Sitio Mambani, Purok 5, Barangay Cayucyucan, Mercedes.
Ayon sa ulat, habang nagmamaneho si Dasigan ng kanyang motorsiklo mula sa SM City Daet kungsaan siya nagtatrabaho at pauwi na nang aksidenteng nakabanggaan ang motorsiklong minamaneho ni Miloy na nagmula sa kasalungat na direksyon at papauwi narin.
Nagresulta ang aksidente ng mga pinsala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ng mga biktima at pagkawasak ng dalawang motorsiklong gamit ng mga ito.