Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
SI Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay ay na-elect unanimously bilang League of Municipalities of the Philippines (LMP) national vice president for external affairs noong Sept. 29 sa Metrotent Convention Center sa Pasig City.
Si Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra ang nahalal naman bilang president. Ang bagong set ng LMP officers with a term from 2022 to 2025 ay nanumpa kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Sept. 30 sa Malacañang.
Nakapanayam namin ang mabait at napaka-accommodating sa media na si Mayor Mamay recently at nalaman namin na siya pala ang Executive Adviser ng Actor’s Guild of the Philippines.
Kuwento ni Mayor Mamay, “Ako naman hindi naman sa pagyayabang, as an Executive Adviser of Actor’s Guild of the Philippines, advantage sa akin iyan. Kasi from time to time ay dinadala ko ang mga artista roon sa amin, kaya kahit paano na naipo-promote din kung ano ang mayroon kami, like sina Ken Chan, Teejay Marquez, Ahron Villena at iba pa.
“Yes, puwede naming i-offer sa mga gumagawa ng pelikula itong Lanao.”
Nabanggit din niya na gagawa sila ng ilang pelikula under Mamay Productions.
Lahad ni Mayor Mamay, “Magpo-produce po tayo ng two or three movies. In fact, uunahin namin iyong title na Lanao, that is partly… parang life story ko po ito. Doon po isu-shoot iyan, karamihan ay sa Nunungan, Lanao del Norte.
“Isa po sa nakikita naming gaganap dito ay si Gabby Concepcion, with Sanya Lopez, si Ken Chan din, at iba pa.”
Naitanong din kay mayor ang ukol sa kanyang nasasakupan at para mai-promote lalo ang turismo, nabanggit ni Mayor Mamay na marami silang proyekto para sa turismo at kailangan na kasabay nito, na maayos ang kalagayan ng peace and order.
Proud niyang nabanggit na stable ang peace and order sa kanyang nasasakupan.
Si Mayor Mamay ay nahalal na alkalde noong 2016 at ito na ang ikatlo at last term niya.