Advertisers

Advertisers

Nene ni-rape ng 73-anyos

0 179

Advertisers

KULONG ang 73-anyos na lalaking kabilang sa ‘most wanted persons’ ng Valenzuela City dahil sa panggagahasa sa menor-de-edad.

Inaresto sa kanyang bahay sa Barangay Marulas ng lungsod si Danilo Raymundo 10:55 ng umaga ng Oktubre 14.

Hinuli si Raymundo sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 270 noong Oktubre 13, 2022 para sa kasong ‘statutory rape’, at 2 counts ‘lascivious conduct’.



Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kasong statutory rape, habang P180,000 ang inirekomendang piyansa nito para sa bawat bilang ng lascivious conduct.