Advertisers

Advertisers

1 sundalo, 4 bandido patay sa engkwentro

0 169

Advertisers

ISANG sundalo at apat na miyembro ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi nang salakayin ng grupo ang isang Army/Cafgu detachment sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.

Patay sa tropa ng militar si Corporal Allan Balena, habang apat sa BIFF sa follow-up operation.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade, inatake ng mga kasapi ng BIFF-Dawlah Islamiyah Group ang Army at Cafgu detachment sa Sitio Butalo, Barangay Sambulawan, Datu Salibo, Maguindanao Del Sur.



Natunugan ng pwersa ng gobyerno ang pagsalakay ng mga terorista kaya sinalubong nila ito ng mga putok.

Umatras ang mga terorista sa pamumuno ni Kumander Jacket nang dumating ang karagdagang pwersa mula sa 6th Infantry (Redskin) Battalion ng Philippine Army.