Advertisers
SINIMULAN na nitong nakalipas na Oct. 16, ang pinabongga at pinagandang season ng Tara Game, Agad Agad. Game master si Aga Muhlach na excited na sa bagong season ng programa.
Tsika ni Aga sa video, “I’m really excited for season 3. Alam n’yo naman kung gaano ko kamahal yung Tara Game, Agad Agad. It’s been my favorite since we started the show.”
Apat na kalahok ang maglalaban-laban hanggang sa isa na lang ang makarating sa final round.. Mag-uunahan sila sa pagsagot sa iba-ibang tanong. Makikita muna nila ang mga posibleng sagot at may tsansa silang sagutin ito o ipasa sa kalaban. Kasama rin sa kasiyahan ang mga taong nasa labas ng studio.
“We’re also excited kasi mas malaki yung papremyo namin. So, yung 20,000 mo pag umabot ng jackpot round pwedeng umabot ng P180,000, may pagbabago rin sa jackpot kaya abangan dahil excited talaga ako sa season 3 and 4.”
Makakasama ni Aga sa programa sina Daiana Menezes at Fil-Japanese socmed star na si Yukii Takahashi. Sila ang maghahatid na ligaya sa TGAA LEVEL UP games.
Sey ni Daiana, excited daw siya na maging bahagi ng Tara Game, Agad Agad: Level Up lalo na at makakasama niya sina Aga at Yukii.
Sabi nga, agad-agad ang kasiyahan, agad-agad ang papremyo kaya naman siguruhin na manood ng TGAA Level Up tuwing Linggo, dakong 7 ng gabi.