Advertisers

Advertisers

Bagong modus: Holdaper nagpapanggap na delivery rider

0 422

Advertisers

NANAWAGAN ang isang netizen na maging alerto dahil may bagong modus ang mga holdaper.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Stiffany Ann Domalanta Tolentino ang screenshot mula sa kuha ng CCTV sa isang tindahan kungsaan makikita ang isang lalaki na nagpanggap na delivery rider at nagtangka mangholdap.

Ayon kay Stiffany, nangyari ang tangkang panghoholdap sa Barangay Banuanbayo sa Cabangan, Zambales.



“Baka daw po may kumatok sa mga bahay bahay niyo at nagpapanggap na Shopee, ‘wag niyo po agad pagbubuksan. Eto po bago nilang modus ngayon,” sambit ni Tolentino.

“Kanina lang po ‘yan tanghali sa barangay banuanbayo. maging alerto po tayong lahat lalo na yung may mga tindahan.”

Ayon sa Cabangan Municipal Police Station, nahuli na ang holdaper at nahaharap sa kasong attempted robbery.